Love Lies 2U Again - 15

3.1K 105 2
                                    

Ganun padin ako sa araw-araw. Gigising ako tuwing six ng umaga. Lalabas ako for a quick jog at saglit na workout. Nakasanayan ko na kase eh, natuto ako ng tamang diet at pangangalaga sa katawan gawa narin ng sideline kong modeling sa Canada.

Pagkatapos ay maliligo at kakain ako ng breakfast. Minsan ay nasasabay ako kay Diego, sa pagpasok nya sa school dahil sameway lang rin naman ito sa kinatatayuan ng Resto. Pero most of the time ay nagbu-book nalang ako ng grab para di narin masyadong maka-abala pa.

Sa totoo lang ay nahihiya na ako kina Tita Daisy. Isang buwan narin kasi akong nakikitira sa kanila eh. Although balewala lang naman yun para kina Tita pero kasi nahihiya na talaga ako eh.

Regular din akong nagbibigay ng allowance at perang pambili man lang namin ng supplies sa bahay para man lang makagaan sa pagtuloy at pakikitira ko sa kanila.

Ayaw man tanggapin ni Tita Daisy pero pilit ko paring ini-insist na magbigay. Minsan nga ay ako na ang sumasagot sa allowance at pabaon ni Derrick sa tuwing tinatanggihan ni Tita Daisy ang binibigay ko. At minsan nag-aabot rin ako ng allowance ni Diego dahil alam kong magastos ito sapagkat graduating na kasi.

Wala pa kasi akong time para maghanap ng sarili kong condo sa mga oras na ito. Pero susubukan kong sumaglit minsan para makipag-meeting sa isang agent at para narin makapag-visit sa ideal na condo na balak kong tirahan.

Sa totoo lang kahit hindi naman condo ang tirhan ko, ay okay lang. Kahit simpleng apartment lang sapat na para sa akin.

Grabe namiss ko tuloy yung dating apartment ko. Hayyyy.

Kailangan ko talagang unahin yung matutuluyan ko. Kung sasakyan kasi ang una kong bibilhin ay wala naman akong mapagpa'parkingan sa garahe nila Tita Daisy. May sariling sasakyan kasi si Kuya David at ganun narin ang family car nila na ginagamit naman ni Diego.

Ilang beses narin akong inaaya ni Warren na sumama nalang sa kanya doon sa Condo na tinutuluyan nya. Pero ako yung tumatanggi. Nako i'm sure magugulo ang buhay ko kung sasama ako sa kanya. Saka isa pa, may girlfriend na syang tao ngayon. Alam ko naman na walang malisya para kay Samantha yung friendship namin pero kase, ay! basta ayoko lang ng kung anong issue or kahit ano pa man yan na mai-involved ako.

Saka isa pa, ang layo nung Condo nya dito sa Resto, maha-hassle lang ako kapag doon ko pa piniling tumira.

Mas gusto ko lang ngayon is yung accessible at talagang malapit lang dito sa business ko.

Balita ko ay may bagong tayong Condominum daw na malapit lang rito. Actually 20 mins. away nga lang sabi narin ng mga napagtanungan ko.

One of these days ay balak kong mag-visit doon.

...



"Ms. Pamela basta tawagan mo nalang ako kung ano man ang kailangan mo ah. Don't you worry saglit lang naman ako doon. Makikipag-usap lang ako then check ko yung unit then babalik na kaagad ako dito" sabi ko dito kay Pamela.

Aalis kasi ako ngayon gaya ng balak ko. Pupuntahan at bibisitahin ko yung Condominium na sinasabi nilang maganda at malapit lang raw dito.

"Okay po" sagot nito sakin.

Agad rin naman akong pumara ng taxi dahil sabi nila ay malapit lang naman daw.

Tama nga sila malapit nga ito, mahigit 15 mins. nga lang na byahe eh, base yun sa distance nito mula sa Resto ko.

Labas palang ay alam mong high-end itong condominium na ito. Medyo nag-alangan naman ako kung tutuloy paba ako. Grabe kase, sure akong ang mahal ng mga presyo ng unit dito.

Dito palang kasi sa labas ay tyak na malulula kana sa ganda, magkano kaya ang isang unit dito?

Agad akong pumasok sa loob.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon