It's 6:30pm already. Hindi nako makapaghintay na umuwi para makapagpahinga at matikman narin yung mga inihandang pagkain ni Tita Daisy.Masarap kasing magluto si Tita kaya naman ngayon palang ay natatakam nako.
Tahimik lang akong gumagawa ng ilan pang paperworks ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Pasok" sagot ko.
Agad namang nagdire-diretso ang taong iyon.
"Happy Birthday!!!!" eksahiradang pagbungad ni Irish.
"Woah! Anong ginagawa mo dito?" nagulat at nagtataka kong balik.
Sumimangot naman agad ito.
"Wow! huh? Pagkatapos kitang puntahan rito at batiin iyan pa ang isaaalubong mo saken?" asar nitong sagot.
Natawa naman ako.
"Oh edi Thank you! Pero bakit kapa kasi nagpunta? Wala akong party kung yun ang inaakala mo" sagot ko.
"Hahaha nagpapatawa kaba? Sa tingin mo papayag akong lalagpas nalang basta basta tong birthday mo? No way! Ngayon ka lang ulit namin makakasama sa special day mo kaya dapat lang na magcelebrate tayo!" sagot nito sakin.
Napangiwi naman ako sa sinabi nito.
"Hoy, anong celebrate? Wala akong hinanda at wala akong kabalak balak na lumabas or magparty ngayon!" balik ko rito.
"Che! Wag ka ngang KJ dyan! Birthday mo 'tapos work padin inaatupag mo! Pinagpaalam na kita kay Ate Tifanny at isusumbong kita kapag di ka pumayag. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, lalabas tayo tonight! Kaya magsara na kayo!" mataray at prenteng sagot nito na kala mo sya ang amo ko.
Okay na eh, maiyak-iyak na ko nung binasa ko yung birthday message nya sakin kanina eh' pero di ko naman naisip na guguluhin nya pala ako sa araw na ito tsssss.
"Alam mo ikaw, epal ka! Tssss ayoko ngang magparty tonight. Bukas may pasok pa ulit ako ano?!" inis kong sagot.
"Sino ba may sabing magwawalwal tayo? Edi wag kang uminom ng marami shunga!" asar nya sakin.
Aray! tsssss sabagay tama sya. Bakit naman ako magpapakasawa sa alak, edi tamang kain nalang ako lol.
"Tsk! Oo na bwisit ka!" asar kong sabi.
"Oh ano na? Magpalit kana ng damit mo, alam ko may spare clothes kana dito sa office mo eh. Ay wait lang, announce ko na sa empleyado nyo na magclose na kayo in 20 mins." pagmamagaling nito na akala mo rin sya ang may ari nitong Resto.
Agad na akong nilayasan ni Irish at dumiretso na palabas para kausapin ang mga staff ko.
Gustuhin ko mang magwala sa inis pero wag nalang, isa pa lagot ako kay Ate kaya magbe-behave nalang siguro ako.
Asar! Kundi ko lang birthday eh! tsk!
Nagbihis narin naman ako ng damit na naririto sa office. Mabuti nalang at may sarili akong mini closet dito, lalagyan man lang ng emergency clothes.
Matapos kasi nung nangyaring pagkabasa ng damit nung Greckong yon 'ay naisip kong maglagay ng mini closet dito. Para at least ready ako at may pang-emergency clothes narin kapag may biglaang ganap tulad nito. Naksss hehe.
Matapos ang mahigit 20 mins. bumalik muli sa loob ng office si Irish.
"Infairness masarap yung coffee nyo dito ah?" sabi nito habang bitbit ang isang cup ng espresso nya.
"Talagang masarap lahat ng inooffer namin dito tsssss" sagot ko rito.
"By the way, wala ng costumer sa labas. Nagreready narin ang mga empleyado mo para sa closing" pagmamagaling nito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.