"Ano Ate?! Bakit naman doon pa? Bakit di nalang sa ibang states dito sa Canada? Bakit kailangan nyo pang ilayo? Bakit di nalang dito!" naguguluhan kong tanong.
"Wait, bunso. Makinig ka muna sakin okay! Napag-isipan narin namin ito ng Kuya Fred mo matagal na. Doon talaga namin gusto. At saka, wala ng atrasan ito Timothy. Buo na mismo ang Restaurant. Finishing touches nalang at pwedeng pwede ng simulan ang operations" saad ni Ate.
"Pero bakit ngayon nyo lang sinabi sakin ito? Bakit ngayon lang?" tanong ko.
Pilit na ngumiti si Ate sa akin.
"Dahil alam ko magagalit ka kapag nalaman mo kaagad. Pero oo nga pala, ngayon for sure galit ka parin naman eh. Ang point ko lang is, para sa'yo rin naman ito eh. Gusto kitang mag-grow. Gusto kitang maging successful" saad ni ate.
Umiling naman ako dito.
"Bakit Ate? Bakit kailangan ko pang lumayo para mag-grow? Pwede namang nandito nalang ako kasama kayo, habang pinapanood nyo kong magsimula para sa sarili ko ah?!" medyo naiinis kong sabi dito.
"At sina Daddy at Mommy paano? Di ba nga kaya nga ako lumipad dito, ay para makasama kayo? Pero ngayon ano to?!" frustrated kong reklamo sa kanya.
Huminga naman ng malalim si Ate at muling humarap sa akin.
"Alam ni Dad ito, at pumayag na sya" sabi ni Ate sa akin.
Ano? What! Bakit!
"Huh? Wait! Alam ni Daddy ang tungkol dito? At talagang pumayag pa sya?" naiinis at di ko makapaniwalang sabi kay Ate Tifanny.
Tumango lang sya biglang pagtugon.
"Look Timothy. Huminahon ka. Ginagawa ko to para sa'yo. Sabihin mo ng pakielamera ako sa mga desisyon mo pero alam ko, na ito talaga ang gusto mo diba?" sabi ni ate.
Umiling ako dito.
"Oo tama ka, yun na ang gusto ko. Pero di ko naman gustong lumayo pa at mangulila muli sa pamilya ko" seryoso kong sabi dito.
No! Ayoko nang mapalayo pa sa kanila.
Lumamlam ang mga mata ni Ate at damang dama ko ang kaseryosohan sa mukha nya.
"Timothy makinig ka. Gawin mo to bilang test para sa sarili mo. Ayokong maging mahina ka. Ipakita mo ang kaya mong gawin. Kung gusto mo talagang sumabak sa negosyo dapat matuto kang magtake ng risks, ipaglaban mo ang gusto mo" puno ng pangaral na sabi sa akin ni Ate.
"Sabihin mo ng chismosa ako, pero di ko sinasadyang narinig minsan yung usapan nyo ni Austin nang minsang mapadaan ako dito sa kwarto mo. Sinabi mo sa kanyang gusto mong magkaroon ng sarili mong career. Gusto mong may ma-achieve naman na sa buhay mo. Dumadaan ang taon at nadadagdagan ang edad mo. Alam ko medyo na iinggit ka sa mga batchmates mong may mga professional job at may mga matataas ng posisyon sa isang kompanya. Alam kong gusto mo ring palaguin ang napag-aralan mo, gusto mong i-apply lahat ng knowledge and skills mo sa trabaho. Kaya nga sana tanggapin mo na ang alok ko" mahaba at mahinahong eksplanasyong sabi ni ate sa akin.
Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Sa ganoong paraan nya nalaman ang lahat ng iyon?
"Please Timothy, gawin mo itong stepping stone para i-angat ang sarili mo. Ikaw na ang mag manage ng bubuksan nating Restaurant Branch sa Pilipinas" pakiusap nito sa akin.
"Pinauubaya ko na sa'yo ang lahat. Gusto kong matuto ka sa tamang paghahandle ng negosyo. Huwag kang mag-alala nandito parin naman kami ng Kuya Fred mo na aagapay sa'yo. Tawagan mo lang kami sa twing di mo alam ang dapat na maging takbo ng business. Pero naniniwala akong kaya mong gawin ito, dahil buo ang tiwala ko sa'yo bunso" nakangiti at sincere nitong sa akin.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
Roman d'amourI'll find the way home to your heart. To where my love lies.