Kinabukasan ay maaga akong gumising, ganun parin para sa usual routine ko para sa umaga.
Nakabihis na ko ng pang-jogging ko. Pagkasuot ko ng medyas at sapatos ay lumabas na ako ng kwarto.
Nadatnan ko naman ang mga kaklase ni Diego na mga natutulog at nagkalat dito sa living room area.
Sabagay, di sila kakasya sa kwarto ni Diego lahat. Talagang dito sila matutulog sa ibaba.
Pansin ko naman ang ilan sa kanilang mga nakangudngod na sa laptop at parang nakatulugan na ang pag-gawa ng Thesis nila.
Hayyyys it's all coming back to me now hehe.
Okay, inaamin ko. Nagkamali ako sa judgement sa kanila. Na hindi pala porket nagsama-sama itong mga kolokoy na ito ay magiging nganga at pabigat lang sa grupo ang iba.
Nahirapan akong dumaan sa kanila dahil nga nagkalat sila dito. Kung saan saan sila nag-pwesto. Muntikan ko pang masanggi ang isa sa kanila dahil bigla itong nag-kumot nung patawid ako.
Pansin ko naman si Kobe na nasa may gawing pintuan.
Tumingin ako sa suot nito. I mean wala pala syang suot. Tanging boxer shorts lang ang saplot nito.
Seryoso ba sya?
Grabe? parang di ko ata kayang makitulog sa ibang bahay at ibalandra pa doon ang katawan ko? Tssss.
Binilisan ko nalang ang pagdaan para narin masimulan ko na ang pagjo-jogging.
Bumalik ako ng sobrang pawisan at hingal na hingal. Grabe ang aga aga pa pero sobrang init na kaagad sa labas.
Well, summer na nga kasi. Siguro kailangan ko ng i-adjust yung alarm ko. Dapat pala ay mas agahan ko pa ang morning jog ko, yung tipong alas kwatro ng umaga? Joke! Ano to Fun run? Lol
Siguro mas maaga sa six, mga 5:30 man lang para di ganito kainit ang nararanasan ko.
Wala na sila sa living room nang makabalik ako.
So, gising na sila???
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Grabe nauuhaw nako dahil sa ginawa kong pagtakbo.
"Oh, Timothy nakabalik kana pala. Halika't sumabay kana dito kina Diego mag-almusal" pag-anyaya sakin ni Tita Daisy.
Ngumiti naman ako dahil sa sinabi nito.
"Ah eh, nako po. Kakagaling ko lang po sa jogging eh. Sobrang pinag pawisan po ako. Nakakahiya pong sumabay" dahilan ko rito.
"Ano kaba? Insan tara na nga dito. Di ka naman namin aamuyin eh" pag-aaya sakin ng pinsan kong si Diego.
Umiling naman ako sa kanya.
"Di na, wag na" sagot ko rito.
Bigla namang nagsalita si Kobe na nasa kabilang gilid.
"Sige na Timothy, sumabay kana samin. Wala lang naman samin yan. Sanay na kami dyan mas malala pa nga sa basketball at kapag nagi-gym eh" sabi nito.
Nagsipag-tanguan naman ang iba pang classmates ni Diego bilang pag-sang ayon.
"Isa pa, kahit pawisan kana halata namang mabango ka parin" sabi nito sabay kindat sakin at kumagat sa hotdog na nakatusok sa tinidor nya.
"Yun eh!" sabi nung isang kaklase nila Diego.
Napa-iling nalang si Diego dahil sa sinabi na yun ni Kobe.
Tumawa naman si Tita dahil doon.
"Sige na Timothy, sabayan mo na sila. Mababait naman yang mga yan, para ko naring anak-anakan sila. Madalas yan dito eh" pag-pilit ni Tita sakin at ito ay lumabas na para diligan daw yung mga halaman nya sa may garden nila.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.