Love Lies 2U Again - 54

2.6K 95 7
                                    


Isang pagkatok mula sa kwarto ko ang nagpagising sa akin.

Pilit akong bumangon sa kama habang kusot kusot ko ang aking mga mata.

"Anak, kakain na tayo ng almusal" pagtawag sa akin ni Mommy.

"Sige po susunod nalang po ako" sagot ko rito.

"Hindi kaba? Papasok sa Resto ngayon?" tanong nito sa akin.

"Ahm, after lunch nalang po siguro Mommy" sagot ko naman.

Akala ko ay bababa na agad si Mommy ngunit parang nag-iba ang mukha nito. Lumapit ito at sinalat ang noo ko.

"Anak okay ka lang ba? Mukhang may sakit ka ah?" concerned na tanong ni Mommy sakin.

Umiling naman ako at ngumiti rito.

"Okay lang po ako" maikling tugon ko.

Pero kita ko sa expresyon ni Mommy na hindi sya kumbinsido.

"Ah... Anak, alam ko na yung nangyari. Hindi mo na kailangang magkaila. Sinabi na sakin ni Warren ang lahat" pagsisiwalat nito.

Hindi nako magugulat kung si Warren ang nagkwento kay Mommy ng mga nangyari. Natural lang iyon dahil lahat sila ay galit sakin ngayon, alam ko naman yun.

"Anak, hindi muna kita pipiliting magkwento. Nasa saiyo nayan kung gusto mong mag-share sakin. Basta palagi mong tatandaan na nandidito lang ako palagi huh?" concerned na paalala sakin ni Mommy.

Wala akong imik at nanatili akong tahimik.

"O sige na. Ayusin mo na ang sarili mo para makakain kana" bilin muli nito.

Bababa na sana si Mommy ng bigla akong magsalita.

"Mommy, ano bang dapat kong gawin?" naguguluhan at nahihirapan kong tanong.

Humarap sakin si Mommy at ngumiti.

"Anak, mahirap sagutin yan eh. Ano bang nararamdaman ng puso mo?" balik tanong nito.

Dalawang araw buhat noong kaarawan ko, ang daming nangyari. Pagod at hapo na ang katawan ko sa maraming paraan.

Pagod nakong umiyak, pagod nakong masaktan, pagod nakong alamin ang katotohanan.

Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"In pain, alone, and has a lot of regrets" yan ang salitang maglalarawan sa akin ngayon.

I'm in deep pain dahil masyado akong nasaktan. Masyado akong nasaktan sa mga bagay na nalaman ko at nagawa ko.

I am now alone, oo mag-isa na ako. Feeling ko ay iniwan na ako ng mga kaibigan ko. Of course, ako yung may mali kaya wala akong kakampi this time. Nandyan naman si Warren, pero feeling ko ay may tampo parin sya sakin.

I have a lot of regrets, maraming bagay ang pinagsisihan ko ngayon. Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman?

Naguguluhan na ako, wala akong matakbuhan, wala akong magpagkwentuhan.

Sa simbahan ako dinala ng mga paa ko. Wala namang misa pero hindi naman bawal ang pumasok at dumulog sa Panginoon hindi ba?

Taimtim akong yumuko at nagdasal. Ipagpapa sa Diyos ko nalang ang lahat ng ito.

Siguro naguguluhan na kayo kung ano ba ang nangyari sa nakalipas na dalawang araw?

Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Grecko ay mabilis akong nagpaalam at umuwi. Hindi ko kasi makayanang pigilan ang pagluha at paghikbi ko. Pangit man tingnan pero umalis ako sa sarili kong party.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon