Love Lies 2U Again - 36

2.9K 106 1
                                    

Bukas na ang kasalan nila Tita Betina at Tito Gregor para sa kanilang 30th Anniversary.

Wala naman akong espesyal na participation pa sa Wedding dahil guest lang naman ang role ko sana.

Sana, kaso lang nag-insist yung anak nung celebrant na date daw nya ako?

Pagka-uwi ko palang sa bahay ay agad ko ng chineck yung invitation. Tama nga, may nakalagay na maliit at di masyadong pansinin na note doon sa ibaba ng card. Magiging date daw ako ng kung sino mang nagpapabigay ng invitation.

Technically si Cholo ang nag-abot sakin nung invitation. Pero alam naman natin na yung magaling nyang bestfriend ang talagang nagpapabigay at supposedly na dapat mag-aabot sakin nito ng personal.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa stress.

Ewan ko ba, masyado akong kinakabahan.

Iniisip ko palang yung thought na invited ako sa wedding ng parents ng naging ex ko eh' nahihiya nako.

Idagdag pa dyan na mamimeet ko ulit yung mga relatives nila at iba pang family members na nakilala ko noon.

Naiisip ko lang kasing, wala naman ng 'kami' ni Grecko pero bakit nandun pa ako?

"Timothy, wala silang magagawa. Inimbitahan ka eh' dapat lang na pumunta ka" sagot ng kabilang parte ng utak ko.

Oo, nga. Kung sabagay. Wala na dapat silang masasabi kung andun man ako. Di naman ako manggugulo or gagawa ng eksena doon for sure.

"Saka Timothy! Wag ka ngang mahiya dyan. Yung kamag-anak nila ang nakipag-break sa'yo, hindi ikaw. Kaya kung natapos man ang sainyo. Wala kang kasalanan don!" pagpapakalma nitong loob ko.

Wews.

...

Palakpakan at masasayang ngiti ang sinalubong namin sa muling ka kakasal lamang na mag-asawang Marasigan.

Pansin ko rin ang ilan sa mga close friends at relatives nila ang naiyak pa nga dahil sa saya para kina Tita Betina at Tito Gregor.

Kung tatanungin nyo ako kung okay lang ba ako?

Oo naman, di naman ako nahihiya dahil katabi ko naman sa upuan ang tropa throughout the wedding ceremony.

Medyo nakaramdam lang ng pagka-ilang dahil mga bigatin din ang bisita at mga inimbitado dito. Mga katrabaho at kasyoso sa negosyo nila Tito at Tita.

Isa pa, yung mga relatives nilang nandidito. Talaga naman kasing mayaman ang Marasigan Clan.

Puro nga di-kotse yung pinsan ni Grecko, kahit alam kong mga highschooler palang yung iba don.

Grabe, iba na talaga kapag rich kid.

"Ano Timo? Samin ka sasabay papuntang reception?" tanong sakin ni Warren.

Sasagot na sana ako kaso lang biglang may sumingit at sumagot na para sa akin.

"Ako na, sakin sya sasabay" sagot ni Grecko.

"Okay pre, sige kita nalang tayo don" pagpayag nitong si Warren.

Tumango naman si Grecko dito.

Nagpaalam naman sakin si Samantha at silay sumakay na sa kotse ni Warren.

Kumaway nalang ako dito.

Naiwan lang kami ni Grecko rito at hinintay na makaalis ang sasakyan nila Warren at ng iba pang tropa.

Naglakad na si Grecko at hinintuan ang isang kotse.

Di ako pamilyar sa kotse na ito. Hindi na ito yung dating sasakyan na ginagamit nya.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon