Love Lies 2U Again - 32

3K 97 3
                                    

"Oh, para saan to?" nagtataka kong tanong kay Cholo.

"Invitation yan para sa 30th Wedding Anniversary nila Tita Betina at Tito Gregor" sagot nito sa akin.

Invitation?

"Invited ako?" tanong ko ulit.

"Siguro? Pinabibigyan ka diba?" sarcastic nitong sabi.

"Cholo naman eh!" react ko.

Tumawa naman ito.

"Haha oo nga, ayan na nga oh. Basahin mo mismo dyan sa likod ng envelope nakapangalan sa'yo" sabay turo nito sa pangalan ko ngang na-print doon.

To Mr. Timothy Guevarra

Napaka-formal naman ng pagkakalagay dito.

"Oo nga ano? Pero bakit ikaw ang nagbigay sakin?" nagtataka kong tanong rito.

Sumandal ito sa kotse nya at sinagot ako.

"Ewan ko ba dun sa dapat na magbibigay sa'yo nyan. Busy ata eh? Sakin tuloy inutos 'busy rin naman ako tsssss" asar nitong kwento.

Mukhang nagegets ko na kung sino yung supposedly na magbibigay nito sakin.

"Osya Timothy, alis nako. Dumaan lang talaga ko para ibigay yan sa'yo eh" paalam nito.

"Huh? Ayaw mo bang pumasok or kumain man lang?" Drinks, pabibigyan kita?" suggests ko rito.

Umiling naman ito.

"Yun na nga eh, pag pumasok ako sa loob mapapakain lang ako ng marami dahil matatakam ako sa menu nyo. Hinay hinay na nga ako sa pagkain ngayon eh. Tumataba na eh' wala na nga akong abs tssss hahaha" pag-explain nito.

Tumawa naman ako.

"Di naman, okay pa naman yung katawan mo. Ang OA nyo lang talagang mga lalaki. Di lang nakapag-gym ng isang linggo feeling nyo mananaba na kayo tsssss" react ko sa sinabi nito.

"Oy! Di ah. Promise ang lakas ko kumain lately hahaha. Saka, concerned din si Ysabell sa health ko eh. Kaya alam mo na sinusunod ko hehehe" sabi nito.

Natawa naman ako doon. Shet, ang sweet talaga nila. Saka ang napaka-tino nitong si Cholo ngayong girlfriend nya si Ysabell pansin ko. They're really good for each other.

"Oo na sige na! Puro kapa reasons dyan eh. Di na ikaw yung nakilala kong Cholo na galante dahil kuripot kana ata eh!" pang-aasar ko dito.

"Tsssss, gusto mo bilin ko pa sa'yo yung rights ng Resto mo eh!" react nito.

Sumimangot naman ako.

"Bwisit ka, aagawan mo pako ng negosyo" kunwari'y naiinis kong sabi.

Tumawa naman ito.

"Hahaha joke lang. Edi binugbog ako ng taong dapat na magbibigay sa'yo ng invitation na yan? Wag nalang oy!" react nito.

"Baliw, osya pasok nako sa loob. May mga aasikasuhin pako sa office eh" paalam ko na rito.

"Sige, bye" paalam narin nito sabay sakay sa kotse nito.

Dumiretso kaagad ako sa office at ibinaba sa lamesa ang invitation ko.

Seryoso? Imbitado talaga ko?

Shet, ano na naman to. Di ko alam pero ngayon palang puno ng pagka-hiya ang nararamdaman ko.

Minabuti ko nalang na ituon sa paggawa ng mga trabaho para di nako kabahan pa.

Tumunog ang phone ko dahil sa mga notifications.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon