(Continuation...)Hindi na ako makatiis kaya't nagpunta ako sa Condo ni Grecko. Pero nalaman kong hindi raw sya dito tumutuloy nitong mga nakaraang araw.
Kaya't nagbaka sakali akong makikita ko sya sa bahay nila. Lakas loob akong pumunta sa bahay ng mga Marasigan.
Hindi naman ako nabigo, pansin ko kaagad ang sasakyan nyang nakaparada sa garahe nila. Tama ako, dito nga sya pansamantalang tumutuloy.
Mukhang wala rito sina Tito at Tita ngayon, tahimik ang buong paligid.
"Ahm, Nasan po si Grecko?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay nila.
"Nasa itaas lang naman ho si Sir, di po yun lumalabas ng kwarto nya" sagot nito.
Tumango ako at nagpasalamat.
Agad kong tinungo ang kwarto nito. Kakatok na sana ako sa pintuan ng may magsalita sa likuran ko.
"Ah sir, mainit po ata ang ulo ni Sir Grecko. Ayaw pong magpapasok ng kahit na sino sa loob, kahit nga po si Ma'am Betina hindi sya makausap eh" paalala sa akin ng isang kasambahay na galing sa ibang kwarto rito sa itaas.
"Ah ganon ba?" malungkot na sagot ko.
Para namang nahiya sa akin ang kasambahay.
"Ah, eh itry nyo nalang po. Di po ako sigurado, baka naman po pagbuksan kayo ni Sir Grecko. Boyfriend nya naman po kayo eh" kamot ulo pa nitong sagot sa akin.
Isang mapait na ngiti na lamang ang isinukli ko sa kanya.
Naglakas loob parin akong kumatok kahit alam kong malabong pagbuksan nya pa ako ng pinto. Dala ko ang tray ng pagkain na pinasabay sa akin ng kasambahay kung sakaling pagbuksan ako ni Grecko ng pinto.
Sabi kasi nito ay ayaw raw kumain ng Sir Grecko nya. At kagabi pa raw tinatanggihan ang kung ano man pagkain ang ipaakyat sa kanila ni Tita Betina.
Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Hindi ko inaasahang pagbubuksan nya ako.
"Ano ba! Sinabing ayoko pang kumain-" halatang nagbigla sya dahil ako pala ang nasa likod ng pintuan.
"Anong ginagawa mo rito?!" isang galit na Grecko ang bumungad sa akin.
Agad nya akong tinalikuran at iniwan dito sa pinto ng kwarto nya.
Sobrang gulo at nagkalat ang bote ng alak at lata ng mga beer sa lapag ng kwarto nya.
"Kamusta kana? Sabi nila di ka pa raw kumakain, eto oh dinala ko na yung pagkain mo, baka kasi nagugutom kana eh" sabi ko sa kanya.
Pinilit kong maging kalmado at wag ipahalata na nasasaktan ako sa pagtrato nya sa akin.
Humarap sya sakin gamit parin ang galit nitong mukha.
"Ayoko ngang kumain eh! Bingi kaba? Ano pa bang kailangan mo't nagpunta kapa rito?!" inis nyang singhal sakin.
Huminga ako ng malalim para labanan ang nagbabayadyang luha sa mga mata ko.
Bakit kami humantong sa ganito? Anong nangyari kay Grecko? Anong nangyari sa Grecko ko? Sa taong minahal ko?
"Kung ayaw mong kumain hindi na kita pipilitin, pero sana naman Grecko! Please kausapin mo naman ako oh!" muli kong pakiusap sa kanya.
Masama ang tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Tssssss, ano pa bang dapat nating pag-usapan huh? Di paba malinaw sa'yo ang lahat? Kailangan pabang ulit ulitin kong tapos na tayo?!" sigaw nya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.