Two weeks since magkasagutan kami ni Austin ay wala parin itong paramdam sa akin.
Matapos ng naging pag-amin nya sa narararamdaman nya sa akin di na sya muli pang nagpakita. May chat naman syang sinend sakin at sinasabing "Sorry". Di ko kailangan pang i-seen dahil, iyon lang naman ang laman ng mensahe base sa preview nito.
Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa ginawa ni Austin. Kaya pala, pilit nya akong tinatanong noon kung ano ang mas preferred ko sa bulaklak at tsokolate. Malakas ang kutob ko na para sa akin talaga yung chocolates na iniwan nya pero binigay nalang nya para kay Cody. Nagegets ko na ngayon ang lahat.
Di ko alam na makakaramdam pala sya ng ganoon para sakin. Akala ko parehas lang sila ni Warren, na sa kabila ng pinagsamahan namin ay walang nabuong pagtitinginan. Well, mali ko rin naman siguro yun, na kinukumpara ko sya sa bestfriend ko. Magka-iba parin sila, kung para kay Warren ay normal lang yung mga gestures at closeness namin sa isa't isa pwes iba pala ang dating nito kay Austin.
Di ko alam kung paano ba nahulog ng ganun ang loob sakin ni Austin. Napasama pa pala yung masyadong concern at atensyon na binibigay ko sa kanya. Okay, aaminin ko baka nga siguro kasalanan ko rin yun. Baka kasi naging pa-fall ako, kaya nahulog ang loob ng isang straight guy sa akin.
Namimiss ko na sya at the same time naiinis parin ako sa ginawa nya. Bakit nya ginawa sakin yun? Bakit nya ako basta basta nalang hinalikan!
Pero sa halik nga ba talaga ni Austin ako naiinis? Or dahil natriggered nito sa isang alaalang matagal ko ng pilit ibinabaon sa limot. Tsssss.
Malapit nakong umalis pero imbis na sulitin namin yung mga oras at panahon na sana magkasama kami at nagbobonding ay napalitan ng galit at pag-iiwasan sa isa't isa. Austin, ano ba yan!
Nasa saakin na ang Passport ko ganun rin ang Plane Ticket ko. Next week pa naman ang flight ko pero kailangan ko narin kasing magbalot balot at ayusin na ang ilan sa mga gamit ko. Umuwi naman dito si Mommy para tulungan akong mag-empake at para narin makasama man lang ako, bago ang pag-alis ko. Susunod naman daw ang Daddy ilang araw bago ang nakatakdang flight ko. Naiintindihan ko naman yun, may trabaho si Daddy at di nya pwedeng basta iwan nalang.
Sinusulit ko naman ang mga natitirang sandali na makakasama ko ang pogi kong pamangkin. Halos araw araw ay inaaya nya akong mag-laro ng mga games after school. Ayaw nga paawat minsan dito pa sa kwarto ko natutulog hehe.
Nako, naiisip ko palang na di ko na makikita ang cute na mukha nito tuwing pag-gising ko eh, nalulungkot nako.
Actually lahat naman mamimiss ko. Syempre tatlong taon din naman ako dito. Sa loob ng tatlong taon na yun, natuto akong mag-adjust. Natuto akong makisama sa mga tao, kultura at klima. Inaral ko kung paanong diskarte ang gagawin ko sa tuwing di ko kaya ang lamig ng panahon. Tamang ayos lang ng sarili para di mahalatang di ako naliligo. Lol.
Lahat yan natutunan ko dito.
Nag-agaw ang pansin ko ng biglaang pagtunog ng phone ko. Message notification pala, mesahe na galing kay Austin?
Agad ko naman itong binasa.
"Timothy... Let's talk. Please. Tomorrow 4pm at downtown Stanley Park. I'll wait for you. Thank you"
Yan lang yung laman ng mensahe.
Di ko alam kung kaya ko na ba syang harapin. Naiinis parin ako sa ginawa nya.
Ibinaba ko nalang ang phone ko at nagsimula ng matulog.
...
"Cody, wag nang makulit okay? Pagod na si Tito. Bukas naman ulit tayo maglalaro ayos ba?" bilin ko dito kay Cody.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.