Ilang saglit pa ng paglalakad ay na aaninag ko na ang ilang tao sa labas ng tindahan.
Tama nga, mukhang sila nga ito.
Hindi naman ako nagdalawang isip na lapitan sila.
"Diego!" pagtawag ko sa pinsan ko.
Agad rin naman itong lumingon sakin.
At tama nga ako. Dito malaya silang nakakapanigarilyo.
Alam kong nahihiya ito sa akin.
"Hinahanap na kayo nila Tita, kakain na daw tayo ng hapunan" sabi ko rito.
Agad naman itong tumayo at sumunod sa akin.
Tumayo narin sina Kobe at ang dalawa pa nilang kagrupo.
Di naman ako pinansin nito at parang wala lamang ako at hindi nya ako nakikita.
Shet, na-offend ko ata talaga sa nasabi ko kanina.
Tahimik lang kaming bumalik sa bahay.
Ganun lang din hanggang sa hapunan, tahimik lang din kami pwera kay Tita Daisy na nasermunan si Diego.
Hindi na ako dumagdag pa, hindi ko binanggit kung anuman yung nabisto ko tungkol kay Diego at sa barkada nito.
Ayoko lang na mag-away pa ang mag-ina at malaman pa ni Tito na nasa abroad, I'm sure magagalit din yun.
Matapos ang hapunan ay balik na sa kani-kanilang kwarto sina Tita Daisy at Kuya David. Naiwan naman sa sala sina Diego at ilang kagrupo nito.
Agad ko namang hinagilap si Kobe dahil wala na naman sya dito.
Lalabas na sana ako ng pintuan ng bigla akong hawakan ni Diego.
"Ah, insan pwede mag-usap tayo?" tanong nito sakin.
Tumango naman ako bilang pagtugon.
Sa terrace nalang kami nag-usap.
"Ahm, insan sorry ah? Pati tuloy ikaw kanina naghanap pa sa amin. Di ko naman alam na dumating na pala sina Kuya eh. Saka sorry rin kung natuto akong magbisyo. Di ko na kasi mahinto eh" paumanhin nito.
Wala naman na akong sasabihin pa sa kanya kundi okay lang yun. Tutal sapat na yung naging pagsermon sa kanya ni Tita although di yun about sa paninigarilyo nya.
"Okay lang, di naman ako nahirapan na hagilapin kayo kanina tutal alam ko naman kung saan kayo hahanapin. Saka gusto ko lang din sabihin sayo na bawas bawasan mo yung paninigarilyo mo, wag mo naman abusuhin yung katawan mo. Tapos wag na kayong tumambay sa tindahan masyadong delikado lalo na kapag ganitong gabi na" mahabang paalala ko sa kanya.
Tumango naman sya sa akin.
"Pasensya na talaga. Ah, saka nga pala insan. Sana wag mong isisi sa barkada at kagrupo ko ang ginawa ko. Di nila ako tinuruan or pinilit. Matitino naman sila at wala ng ibang masama or kung anu pa mang bawal na ginagawa. Maloloko nga lang minsan hehe. Saka pala parang pansin ko kanina iwas kayo ni Kobe sa isa't isa" biglang singit nito.
Wow? So ganun ka-obvious yung di namin pagpapansinan? Like grabe as if naman sobrang close namin sa isa't-isa? Eh pangalawang beses pa nga lang namin itong pagkikita eh.
"Insan, walang kasalanan si Kobe. I used to smoke bago pa kami naging magkatropa ngayong fourth year college" depensa pa nito.
Ah.. So di talaga si Kobe ang nag-udyok kay Diego na gawin yun. So di pala talaga kasalanan ni Kobe ito.
Fvck! Nahihiya ako sa kanya! Nasumbatan ko pa sya kanina! Shet!
Inis kong bulong sa sarili ko.
Ngumiti nalang ako kay Diego at sinabing okay lang yun.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
Roman d'amourI'll find the way home to your heart. To where my love lies.