Love Lies 2U Again - 46

2.5K 91 1
                                    


"Ingat kayo dun ah! Mommy bantayan nyo po yang si Cody doon. Wag nyong hayaan na puro laro ang atupagin baka magkasakit naman" bilin ko kay Mommy.

Tumawa naman si Mommy sakin.

"Kung maka-bilin ka naman sakin parang ikaw ang ina ng batang ito ah?" biro ni Mommy.

"Eh kasi naman kunsintidora ka rin eh Mommy eh" asar kong sagot.

Tinawanan lang ako nito.

Yumuko ako at tumapat kay Cody.

"Hoy, ikaw baby. Wag lang malikot don ah? Wag kang pasaway. Palagi mong susundin si Mommy at mga bilin nya ron huh? Mamimissed ka ni Tito, wala nakong katabing matulog mamaya" malungkot kong sabi sa pamangkin ko.

Nag-sad face rin naman ang pamangkin ko.

"Yes, Tito. I gonna miss you too" sabi nito sa akin.

"Oh, dali hug at kisse mo na si Tito" sabi ko sa kanya.

Agad naman itong yumakap at humalik sa akin.

"Bye, Mommy and bye Baby! Wag mong kalimutang mag-blessed sa mga Lolo at Lola at mga Tito & Tita mo doon, pagdating nyo!" pahabol ko pang bilin.

Tumango naman ito sa akin.

"Bye po Tita, Bye Cody. Kamusta nyo nalang po kami sa mga pinsan namin doon. Ahm, saka po pala pasalubong hehe" banat naman ni Diego.

Ngumiti lang si Mommy at tumango dito.

Hinintay pa naming maka-alis ang bus na sinasakyan nila bago kami umalis ni Diego.

Hinatid kasi namin sila Mommy at Cody sa bus terminal dahil ngayong ang uwi nila papuntang probinsya.

Ipapakilala kasi ni Mommy si Cody sa mga kamag-anak namin doon.

Sayang nga't gusto ko ring sumama sana kaso lang ay may trabaho ako. Balak nga naming ihatid sila doon kaso si Mommy naman ang tumanggi. Long drive din kasi at mapapagod pa daw kami sa byahe.

Kaya eto, nag-insist silang mag-commute nalang pauwi ng probinsya.

One week lang sila doon. Sabik na sabik lang kasi talagang makita ng mga kamag-anak ko itong sina Mommy at Cody.

Syempre ilang years rin kaming di nauuwi doon. Lalo na si Mommy, almost 5 years narin dahil nauna sila sakin ni Dad pumuntang Canada noon.

"Insan" pagtawag sakin ni Diego.

Kasalukuyan kaming pauwi ngayon galing bus terminal.

"Oh? Bakit?" tanong ko rito.

Busy ito sa pagda-drive habang katabi ko sya sa front seat ng family car nila.

"Ahm, nakausap mo naba yung tropa ko?" tanong nito.

By means of 'tropa' alam ko na agad na si Kobe ang tinutukoy nito.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Hindi pa nga eh, di naman kasi sya nagtext or nag-chat man lang. Hindi naman sa naghihintay ako ng apology or kung ano man sa kanya. Syempre iniisip ko lang kung kamusta na kaya sya?" sabi ko.

Saglit na lumingon si Diego sa akin.

"So, nag-aalala ka sa tropa ko?" curious na tanong nito.

Alam kong ganun yun tunog ng pagsasalita ko kanina.

"Yes, concerned din naman ako sa kanya kahit papaano. Mabait si Kobe, maloko minsan pero masaya namang kasama"

"Ang ipinagtataka ko lang is yung behavior nya last time. Lasing sya, kaya nya nasabi yung mga bagay na yun sakin at kay Grecko. Pero kasi bakit sya naglasing? Ikaw diba yung kasama nya?" Naguguluhan kong tanong.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon