Love Lies 2U Again - 66

2.2K 69 4
                                    


"Hoy, you seemed off! May kinakausap paba ako? Ehem? Hello? Timothy! Yung utak mo naman please? Lumilipad ata eh!" sarcastic na sabi sa akin ni Irish.

"Huh? Ano nga ulit yon?" tanong ko rito.

Tumigil ito sa paglalakad habang puno ang kamay nya ng mga paper bags, galing sa kaliwa't kanang shops at stalls na hinintuan namin.

Nasa mall kami ngayon ni Irish. Inaya nya ako, wednesday naman daw kaya pumayag narin ako.

Pero sana pala di nalang ako pumayag, mukhang magiging tiga bitbit lang ako ng mga pinamili nya eh.

"Timothy! Kanina pako nagsasalita at nagkukwento rito. Parang di ka naman nakikinig eh!" reklamo nito.

"Tsssss, eh paano naman akong makakapag-pay attention sa sinasabi mo? Naglalakad tayo ano? Saka andami ko ring bitbit, kahit ilan lang yung mga pinamili ko rito tapos puro sa'yo na'to ano!" balik ko dito.

Akward na ngumiti lang ang lokang ito sa akin.

"Okay, sige magpahinga muna tayo. Teka, coffee tayo, Ano? Wag mong sabihing tatanggi ka?" alok nito.

"Tssss, wala akong sinabing tatanggi ako. Kailangan ko rin talaga siguro ng kape" sagot ko.

"Good!" sabi nito.

Nagsimula na kong lumakad.

"Teka huy!" malakas na pagtawag nito sakin.

"Baket ba?" tanong ko rin.

"Lutang ka talaga bes! Di dyan yung coffee shop. Dito oh!" sabay turo sa opposite na direksyon ng pupuntahan ko.

"Sabi ko nga diba" sagot ko nalang.

Napa-iling nalang si Irish dahil doon.

"Now, spill the tea sis!" sabi ni Irish.

Sabay lapag ng kapeng inorder namin.

"Alam kong kanina kapa bothered dyan. Masyado kang lutang, wala kang kafocus-focus. Ni-hindi ko mapagana yung pagiging fashionista mo kapag nagtatanong ako kung bagay ba sakin yung mga binibili ko, puro ka nalang "oo, pwede na" Jusko! ano bang nangyari sa'yo!" hysterical nitong sabi.

Tssss, ang OA talaga nito.

"Kase ano..." pagputol ko.

"Kase ano nga?" naghihintay na balik sakin ni Irish.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kapeng nasa harapan ko.

"Kase ano... Teka nga! Nagkapalit ata tayo ng Coffee. Irish yung nakasulat dito oh!" sabi ko sabay pakita ng name nya sa kape ko.

Tiningnan naman ni Irish ang nasa harapan nya.

"Ay! Timothy itong na sa akin. Shet, nagkamali ako ng baba. Sorry naman ah? Tsssss, kaya pala iba kako yung lasa dun sa usual kong inoorder lol!" react nito habang natatawa pa.

Napangisi narin ako at inabot ang kapeng para sakin talaga.

"Oh, ayan na nag-exchange na tayo. Spluk mo na yan bes! Dali!" sabi nito.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon