Love Lies 2U Again - 78

2.1K 70 4
                                    


Huminto ang sasakyan ko sa isang partikular na lugar.

Tandang tanda ko pa na madalas akong tumambay dito lalo na kapag namimiss ko sya. Marami kaming moments na pinagsamahan sa lugar na ito.

Itong ito parin ang aparment na dating tinutuluyan ni Timothy.

Iba na ang pintura at kulay ng mga units. Mukhang mas humaba pa ang paupahang bahay dahil nagkaroon ito ng extension sa may kabilang dulo. Ngayon ay may ilang unit pa ang nadagdag. May mga ilan mang pagbabago, pero ito parin naman iyon.

Aakyat na sana ako sa ikalawang palapag ngunit may biglang humarang at tumakip sa mga mata ko.

"Hep hep! Atat kanang pumanhik? Akyat ka kaagad dyan?" pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"Timothy?" tanong ko.

Narinig ko ang pagtawa nya.

"Yes, Baby?" balik nito.

Napangiti ako.

"Ano ba'to baby?" tanong ko ulit.

"Basta! Malalaman mo rin pag-akyat natin sa itaas" sagot nya.

"Let me guide you, baby" malambing na tono nito.

Nagpigil ako ng ngiti.

Ewan ko ba, boses palang nya nawawala na kaagad ang pagod ko.

"Oh, dahan dahan lang. Sasabihin ko 'kung kaliwa or kanan at iyon ang ihakbang mo" mahinahong sabi nito.

Tumango ako kahit hindi ko naman sya nakikita.

Sinunod ko ang utos ni Timothy. Sinasabay ko ang mga hakbang ko sa kung ano man ang banggitin nito.

Huminto kami.

"Wait lang, wag mong bubuksan yang mga mata mo hangga't di ko sinasabi" utos nito.

"Tssss, baby wag mo nakong pasabikin" pagpupumilit ko dito pero nanatiling nakasarado ang mga mata ko.

Dinig ko pagkalansing ng susi at pagbukas ng pintuan.

"Wait, wag kang didilat" sabi muli nito.

"Oo na po boss" sagot ko.

Narinig ko ang hagikhik nya.

Tsssss, baby!

"Okay, idilat mo ang mga mata mo pagkatapos kong sabihin ang Go! Okay?" utos muli nito.

Tumango na lamang ako.

"Okay, One... Two....Three.. Go!" banggit nito.

Agad kong idinilat ang mga mata ko.

Blurred pa ang aking paningin. Tila nag-aadjust pa dahil sa pagkakatakip ni Timothy kanina.

Tanging pagkislap at dilaw na liwanag lang ang nakikita ko.

Unti unting lumiwanag ang paningin ko at rumehistro ang gwapong mukha ng minamahal ko.

"Happy Monthsary! Happy Engagement din satin!" maligayang bati nito.

Ngiti ang agad sumilay sa akin.

Fvck? Ginawa nya ang lahat ng ito?

"Baby?" hindi makapaniwalang banggit ko.

Lumapit sakin si Timothy at yumakap sa katawan ko.

"I love you, Asawa ko" mahinang bulong nito.

Napangiti ako.

Hinawakan ko ang mukha nito at agad ko syang ginawaran ng halik.

"I love you more, asawa ko" lambing kong balik.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon