Nandito kami ngayon sa mall at namimili ng ilang gamit na babaunin nila Mommy pang pasalubong sa Canada.Nakakalungkot man isipin, may isang linggo nalang sila Cody at Mommy rito sa Pinas. Kinakailangan na kasi nilang umuwi para sa early enrollment ni Cody sa darating na school year.
Mamimissed ko na naman sila, pero ganun talaga. Alam ko namang pagbabakasyon at pagbisita lang ang pakay nila dito. Nasa Canada parin naman ang buhay nila, at doon sila babalik.
Busy ako sa pagtingin ng ilang pinoy goods na maaari nilang baunin para kay Ate Tifanny. Alam ko kasing gustong gusto non ang ilang pagkaing pinoy. Although may Filipino Stores naman sa Canada, iba parin syempre yung mga original na galing ditong Pinas diba?
Napatigil ako sa pamimili ng biglang tumunog ang phone ko.
Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko na medyo agaw eksena dahil sa ringtone nito.
Pansin ko kaagad sa screen ang caller.
Incoming call from...
"Baby 💗"Napangiti ako at agad ko itong sinagot.
"Hello?" pagbungad ko rito.
"Happy Monthsary Baby!" malambing at sweet ang boses nito.
Hindi ko na napigilan ang mapangisi mag-isa rito.
"Happy Monthsary rin Baby!" pagbalik lambing ko.
Yes, ngayon ang araw kung saan saktong isang buwan na kaming mag-on ni Grecko mula noong magka-ayos kami.
"Busy kaba?" tanong nito.
"Hmmmm, nandito kami ngayon sa Mall eh. Kasama ko sila Mommy namimili kaming pasalubong nila" sagot ko naman.
"Ah, gusto mo ba sunduin ko kayo?" tanong muli nito.
Dinig ko ang mga busina ng sasakyan sa background nya.
Nagdadrive sya.
"Naka-bluetooth headset po ako, kaya focus parin ang mata at kamay ko sa pagdadrive" biglang pagsagot nito.
Napangiti ako.
Alam na kasi nyang sesermunan ko sya kapag nalaman kong sinasabay nya ang pagtetext at pagtawag kapag nagdadrive sya. Kahit pa ako yung kausap nito sa phone.
"Buti naman ano!" sagot ko rito.
Tumawa sya.
"Diba pupunta kapa kina Ashley?" balik topic ko.
Sasama kasi ata si Greckong maghatid kina Ashley sa probinsya.
Doon na sya titira kasama ng mga magulang nya para mas maalagaan at mas maging maayos ang kalagayan ni Baby Gremothy.
"Hmmm, Oo" maikling sagot nito.
"Kahit wag na lang siguro. Ma-out of way kapa kasi eh" sagot ko.
Dinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.
Siguro ay iniisip nyang baka nasasakripisyo na naman nya ang oras at panahon nya dapat ay para sakin dahil sa pagtulong nya kay Ashley.
"Okay lang ako. Wag ka nang mag-isip ng kung ano pa dyan. May kasama ako. Nandito si Mommy. Sige na, at baka naghihintay na sila sa'yo" pagpapagaan ko sa loob nito.
"Sigurado bang okay ka lang?" tanong nito sakin.
Ngumiti ako kahit alam kong di naman nya makikita iyon.
"Okay ako" masayang tono ko.
Tumikhim si Grecko.
"Babalik ako kaagad. Hindi ako papayag na hindi man lang tayo magkikita ngayong araw" determinadong sabi nito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.