Buong lakas kong iniangat ang katawan ko kahit mahirap para masilip kung bakit sya ang katabi ko.
Pansin ko naman na sa kanilang anim tanging si Luke, Ryle at etong ngang bwisit na ito ang kinayang mahiga sa kama.
Yung ibang ugok, mukhang hindi na kinaya. Sa lapag nalang inabutan ng antok at doon na nakatulog.
Asar, naman tong lalaki na to eh. May bakante pa namang kama pero bakit nandito sya?
Leche? Ano to? Bakit nandito sya sa tabi ko! Tsssss.
Gulat na gulat parin ako dahil nasa iisang kama lang naman kami nakahiga ni Grecko?
Kanina ko pa sya pilit itinutulak pero ayaw nyang paawat. Inalog alog ko narin sya pero mas lalo nya lang hinihigpitan ang pagkakalingkis ng mga braso nya sa akin.
Kaya pala ang init init eh. Di ko maramdaman yung aircon dahil sa init ng mga bisig nyang nakapulupot ngayon sa katawan ko.
"Hoy! Ano ba! Bitaw nga!" inis kong sabi sabay bitaw sa kanya.
"Ano ba! Tulog pa tayo. Dito ka lang" mukhang wala sa sarili at inaantok pa nitong sabi.
Halata sa amoy ng katawan at hininga nyang lasing na lasing sya.
Lasing pero mabango padin. Fuck! Bakit ko ba sya nakukuha pang puriin? Bwisit sya!
Langya! Nagpakalasing lasing di naman pala kaya!
Pero hindi ako sumuko. Pwes! Kung ayaw nyang lumayas dito. Ako nalang aalis!
Isang malakas na pagsiko ang ginawa ko sa tagiliran nya. Dahilan para mapasigaw sya ng ubod ng lakas.
"Aaaaaaaaaahhh! Aray ang saket nun ah!" inis nitong sabi.
Naging way ko yun para mapabitaw sya sa pagkakalingkis sa akin.
"Gago kaba? May ibang kamang walang nakapwesto oh? Pero dito kapa nahiga!" singhal ko sa kanya.
Sumama naman ang tingin nya sakin at inis ding sumagot.
"Bakit ba huh?! Eh' sa gusto kitang katabi eh!" balik nya sakin.
Napatahimik ako dahil sa sagot nya.
Pansin ko naman ang mga pupungas pungas na mga mukha ng mga tropang nagising ata dahil sa ingay namin.
Di nako muli pang sumagot at padabog ko nalang na sinuot yung tsinelas ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Inis na inis akong tumakbo papunta sa dalampasigan at doon ko sinipa sipa ang mga buhangin.
"Tangina nya! Napaka-bwisit nya talaga!" pagbubunton ko ng galit dito.
"Ahm, sir mawalang galang na ho" nagulat ako sa taong bigla nalang nagsalita sa gilid ko.
Pansin ko ang isang lalaking mukhang staff dito sa resort base sa suot nitong uniporme.
"Nakakahiya ka Timothy! May tao pala, basta basta ka nalang dyan nagwawala tssssss" inis kong bulong sa isipan ko.
Ngumiti ang lalaki at mukhang nag-aalangan pa kung muli pa syang magsasalita.
"Mukha pong badtrip kayo hehe, pasensya na po. Pero may maganda po akong suggestion para mawala yang ikinaiinis nyo" masigla ngunit may bahid ng hiya nitong pagkakasabi sa akin.
Huminga ako ng malalim at sinubukan syang harapin at kausapin ng maayos.
"Pasensya na ah. Umagang umaga sinasalubong ko ng kabadtripan at bad vibes yung paligid" paumanhin ko dito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomansaI'll find the way home to your heart. To where my love lies.