Love Lies 2U Again - 65

2.2K 72 2
                                    


Kita ko ang pigura ng isang lalaking nakatayo at nakasandal sa labas ng kotse nya.

Hawak rin nito ang phone nya sa kabilang tenga.

"Grecko?!" gulat na banggit ko.

Tumingala sya at tumingin sa parte ng bintana kung nasaan ako.

Kumaway ito sa akin.

Agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto ko.

Nakalimutan ko na ngang magtsinelas dahil sa pagmamadali ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko pa lamang ng gate.

"Tssss, missed na missed kita tapos ganyan mo pako sasalubungin?" nagtatampo ang tono nito.

Napangiti ako sa inasal nya kung kaya't dinamba ko na sya ng yakap.

"Sorry na po. Pasensya na. Nagulat lang ako. Di ko naman ineexpect na pupunta ka rito. Tingnan mo oh, anong oras na?" sagot ko naman.

Napangiti ito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap naming dalawa.

Napatingin ako sa loob ng kotse ni Grecko.

Pansin ko ang ilang mga bag na nandodoon.

"San ka nanggaling? Bakit parang andami atang laman ng kotse mo?" tanong ko.

Hinawakan ni Grecko ang kamay ko at pinag-intertwined ang mga daliri namin. Habang ang isa pa nyang braso ay nakalingkis parin sa likod ko at nakayakap sa akin.

"Galing ako sa bahay, kinuha ko na yung mga gamit ko. Nadala ko pala halos lahat kaya naman wala akong magamit nitong balik Condo nako" paliwanag nito.

Napatango nalang ako dahil sa sinabi nito.

"Galing ka sainyo tapos dumiretso kapa rito?" tanong kong muli.

"Oo" maikli nitong sagot.

Hinampas ko naman ang braso nito.

"Aray' para san naman yun?" tanong nito.

"Ikaw ah! Anong oras na? 11:35pm na oh?! Gabing gabi na, di ka man lang nagsabi sakin. Edi sana napigilan kita na magpunta pa rito. Bukas may pasok ka sa firm!" sermon ko dito.

"Bakit di ka ba masaya na nandito ako?" tanong nito.

Napatahimik ako dahil sa sinabi nito.

Shet! Timothy, bet mo rin naman to eh. Missed na missed mo rin naman tong kolokoy na'to pero ngayon nag-iinarte ka dyan.

"Namissed ko lang naman ang baby ko eh!" malambing pa nitong sabi sabay halik sa noo ko.

Pilit kong pinipigilan ang ngiti ko pero kusang lumalabas ang mga ngipin ko. Buti nalang nakatalikod ako sa kanya dahil magkayakap kami.

"Tssss, kilig na kilig ang boyfriend ko sakin" prenteng asar nito.

"Shet, di ah?" pagsisinungaling ko.

"Tssss, kunwari pang ayaw. Pero sabik na sabik naman sakin" dagdag pa nito.

Natatawa nako dahil sa mga sinasabi nito.

Inilapit pa ni Grecko ang mukha nya sa batok ko.

Ramdam ko ang ang ilang patubong balbas sa baba nya na kumikiskis sa balat ko.

Nakakakiliti.

Habang ako naman ay nakasubsob din sa balikat nya at sinisimsim ang amoy ng mahal ko. Ang bango, si Grecko ang pinaka-paborito kong pabango.

Nagtagal din kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon.

Take note nasa labas lang kami ng gate at dis-oras na ng gabi.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon