Love Lies 2U Again - 64

2.4K 76 1
                                    


Balik trabaho, balik Resto ako ngayon.

Kakatapos ko lang magsend ng email kay Ate para sa monthly report ng Resto. Hindi naman ako ino-obliga ni Ate, pero ako narin ang may gustong gumawa nito.

Para narin malaman nila kung ano naba ang standing at nangyayari sa pagpapatakbo ko ng Restaurant. Ayoko rin naman kasing isipin nila, lalo na ni Kuya Fred na asawa nito 'na pinapabayaan ko ang negosyo nila rito.

Yes, owner ako pero ang image at brand parin kasi nito ay bunga ng orihinal na branch nila sa Canada. Ayoko lang mapahiya, kaya mabuti naring magsend ako ng report para formal at malinaw sa kanilang maayos ang takbo ng Gue Varra's dito sa Pinas.

Kanina pa ko nakatanaw sa monitor ng computer, hinihintay ang pagtungtong ng alas dose.

Excited lang kasi ako, nagsabi kasi si Grecko na sabay daw kaming magla-lunch dito ngayon.

Nagsabi narin ako sa kitchen na ipagprepare ako ng mga dish na paborito ni Grecko dito Resto. Para right on time ay makakain narin kami.

Isang pagkatok sa pintuan ang nagpabalik sa wisyo ko.

Pumasok dito si Ms. Pamela.

"Yes?" tanong ko.

"Ahm Sir, nasa labas po-" pero pinutol ko kaagad ang sasabihin nito.

"Si Grecko?" dugtong ko.

Ngumiti ito at umiling sa akin.

"Yung mga barkada nyo po. Nandito po ngayon" sagot nito.

Ang Tropa?

"Sina Irish po ba?" tanong kong muli.

Tumango ito.

Muli ay nagpa-alam na ito at pinaalam lang daw nya sakin nandidito ngayon ang mga kaibigan ko.

Tiningnan ko ang phone ko.

12:06pm na, at tanghalian narin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nag-inat sandali.

Agad din naman akong lumabas para puntahan ang mga kaibigan ko.

Dinig ko na agad ang mga boses nila.

Napansin din naman nila ako.

"Oh, eto na pala yung owner eh" pagbungad ni Vincent sakin.

"Sagot mo to pre" hirit nitong muli.

Nagtawanan naman sila.

"Wow, Vincent? Libre agad? Ang gandang salubong ah?!" sarcastic ngunit natatawa kong balik.

Luminga ako at inikot ang paningin sa kanilang lahat.

"Teka, hindi ninyo kasama si Grecko?" tanong ko.

Nagkibit balikat lamang sila.

"Wala eh. I thought nandito narin sya" sagot sakin ni Cholo.

Umiling lang ako.

"May usapan din kasi kaming magsasabay mag-lunch today. Nagulat ako nandito kayo, kaya inisip ko baka kasama nyo narin sya" paliwanag ko.

Tumango naman ito.

"Ah ganun ba? Hmmm, try mo kayang itext or tawagan? Baka naman on the way na?" suggestion ni Luke.

Oo nga ano.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko ngunit wala ito.

"Naiwan ko ata sa office yung phone ko, balikan ko lang. Umorder na kayo" bilin ko sa kanila.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon