Love Lies 2U Again - 13

3.1K 102 1
                                    

Naging mabilis ang araw at ngayon ay nasa last day of training na ang mga soon to be employees namin, na aking napiling i-hired para dito sa bubuksan kong Resto.

Dito na mismo sa Restaurant namin isinasagawa ang training. Dito ay actual silang tinuruan ng tamang proseso at flow ng kung paano ang dapat na maging set up kapag naging fully operational na ang business.

Marami rin akong natutunan, dahil kaliwa't kanang seminars at business talks din ang aking dinaluhan nitong mga nakaraang araw. Para narin mas mapalawig pa ang knowledge ko sa pagpapatakbo ng Resto.

Matagal naring nagsimula ang mga pa -advertisement campaigns namin bago pa ang opening ng Restaurant. Magandang strategy yun para makilala na kami ng mga tao bago pa namin buksan sa publiko ang business.

Marami akong nakukuhang comments at reactions na excited na daw sila lalo na ng malaman nilang fresh from Canada pa pala ang business na ito.

Natutuwa naman ako doon. Siguro ay somehow kilala na nga kami sa area ng Vancouver pero kase diko naman ine-expect na makikilala pala kami dito sa Pinas lalo na't di pa naman kami nagbubukas.

Sa itsura naman ng Restaurant ay slightly na-iba ang itsura at interior nito kumpara sa mga branches namin sa Vancouver. I don't know, di naman kasi ako ang nakipag-usap at nakipag-deal sa Engineer at Architect na kinontrata ni Ate para dito eh.

Pero isa lang ang masasabi ko. Gusto ko ang design at itsura nito. Sobrang cozy at kuhang kuha parin naman nito ang ambience ng Gue Varra's na talagang minahal ng tao doon.

Yes, Gue Varra's ang pangalan ng Resto. Guevarra lang naman talaga yun eh, hango sa surname namin, inartehan lang ni ate tssss hehe.

So, yeah medyo tunog spanish yung name pero kilala kami sa laman ng menu namin na fusion of American at Canadian dishes. But since nandito ako sa Pinas balak kong mag-incorporate ng ilang all time favorite Pinoy dishes nang sa gayon ay makuha rin namin ang Market ng mga Filipino na hindi pa gaanong familiar sa cuisine na ino-offer namin. Lalo na't ini-introduce palang namin ito dito sa Pinas.

Alam naman iyon ni Ate, at wala syang nakikitang problema sa gagawin kong hakbang sa resto. Ako na daw ang bahala dahil akin naman daw ang restaurant na ito. Anu mang desisyon na sa tingin ko ay mas magpapaganda sa business ay wag ko daw pipigilang subukan. Kampante naman daw sya lalo na't Pinoy dishes naman daw iyon at sure syang masasarap talaga.

Excited yet kinakabahan ako sa pagbubukas ng resto. Sa isang araw na ang natakdang opening namin.

Galing rin akong simbahan kanina dahil kinausap ko pa yung Father na magbe-blessed nitong Retaurant sa opening slash ribbon cutting.

Sa ibang bansa ay wala namang ganoong eksena pa, basta ribbon cutting lang ang nagaganap pero mas better narin siguro ito, para ma-blessed narin at maging masagana ang pasok sa negosyo diba?

Matapos ang training ng mga empleyado ay isa isa kong inabot sa kanila ang magiging uniform nila.

Masaya akong magiging parte sila ng business na sisimulan ko. Natutuwa naman akong malaman na ang dalawa pala sa kanila ay mga working student pa.

Kinuha ko parin sila pareho kahit alam kong mahahati lang ang oras nila sa trabaho. Pero one good thing, nalaman kong magkasalungat pala sila ng schedule, ang isa ay sa umaga pumapasok while ang isa ay estudyante sa gabi. Maganda narin iyon para mag-shift nalang sila sa trabaho. Wala namang kaso sa akin iyon, basta masaya akong nakakatulong at masaya rin akong nakikita silang nagpupursige sa buhay at pag-aaral nila.

Pauwi na ako ng maisipan kong dumaan sa isang coffee shop. Isa rin sa maganda sa resto namin ay nagbebenta rin kami ng coffee at ilang pastries as part of desserts but since di pa nga naman kami bukas, kaya dito muna ako sa ibang shop magkakape.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon