Love Lies 2U Again - 39

2.7K 89 5
                                    

"Oh nandito na pala sya eh" pagbungad sakin ni Tita.

Sabi ko na eh, nandito sya.

Pero bakit naman sya pumunta rito?

"Ah, eh maiwan ko muna kayo. Ipaghahanda ko lang ng almusal yung mga kolokoy na barkada ng anak ko hehe. Andyan yung sandwich saka kape or di kaya yung juice sa center table bahala na kayo kung anong gusto nyo inumin hehe" paalam ni Tita sa amin.

Tumango at ngumiti naman ako kay Tita bago kami nito iwanan.

Nagbaling naman ako ng tingin dito sa bisita naming nakaupo ngayon sa couch.

"So, bakit ka nagpunta rito? Masyado yatang maaga para sa pagbisita mo?" tanong ko sa kanya.

Tumayo naman ito at lalapit sana sakin.

"Wait, huy kakagaling ko lang sa morning jog ko. Amoy pawis ako" pag-pigil ko dito.

Pansin ko ang pag-smirk nito at muling tumingin sa akin.

"I won't mind. Ikaw naman eh. Walang rin akong pakielam basta ikaw Timothy" sagot nito.

Fuck! Ano ba to? Binabalik nya ba sakin yung ala-ala nung mga panahong obssesed pako sa kanya?

"Well, ano ba talaga ang reason mo kung bakit nandito ka?" pagbabago ko sa topic.

Tumingin naman sya sakin ng seryoso at muling lumapit ngunit kaunti lamang.

"Gusto ko lang mag-apologize sa'yo dahil pakiramdam ko nabalewala na kita nung after party sa wedding nila Mom at Dad" paliwanag nito sakin.

Nanahimik naman ako, hindi ako kaagad nagsalita.

Ah, so alam pala nyang medyo iniwan nya ako sa ere during nung so called date nya ko sa wedding ng parents nya?!

"Tsssss, Timothy bakit ata sobrang bitter mo naman ata don? Huh? Eh sino bang may sabing seryosohin mo yung 'Date ka raw nya kuno' aber?" bulong ng isip ko.

Sabagay, ako lang naman yung tanga na medyo pinanghawakan yung salitang DATE?!

Di na nga dapat ako bumili ng tux para lang dun sa Wedding eh. Masyado ko pang pinaghandaan. Tssss.

Fuck ano ba to!

"So, bakit ka nagso-sorry? Wala naman kaso sakin yun. Okay lang ako nun" sagot ko sa kanya.

Para namang nag-iba ang tingin nya sakin. Parang ayaw nyang maniwala sa sinabi ko.

"But I thought wala ka raw makasama dahil iniwan kita sabi ni Kuya Gustav" sabi nito.

Umiling naman ako.

"Hindi meron naman. Nandun naman yung tropa remember?" paalala ko sa kanya.

When in fact nagkanya-kanya rin kami dahil sumama yung mga boys sa ibang kakilala nila while yung mga girls naman ay nakipag-kwentuhan sa ibang bisita at common friends nila.

Mabuti na nga lang at hindi ako iniwan ni Irish dahil pareho lang kaming walang ibang kakilala although kakilala ko yung ibang pinsan ni Grecko kaso ayokong lapitan dahil kasalo nila sa table yung babaeng kasama ni Grecko. Gets nyo? Ang gulo! Ah basta di ako loner may kasama ako kahit papaano tssss.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Grecko.

"Gusto ko ring mag-sorry sa'yo dahil di na kita na-ihatid pauwi nung gabing yun. Saka wala rin kasing kasama si Ashley kaya di ko maiwanan" paghingi nya ng paumanhin sakin.

Ashley?? So Ashley pala yung pangalan nung girl na yon.

"Hindi okay lang talaga. Sumabay naman ako kila Edward pauwi. Hinatid nila ako dito. Kaya di ka dapat manghingi ng sorry" sabi ko.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon