What happens after the break up.
(Flashback 4 years ago..)
Katatapos lang ng Final Defense namin. Mabuti nalang at nagawa kong makasagot sa mga tanong na ibinato sa akin despite of what happened. Hindi ko na nga nagawang magreview kahapon dahil umiyak lang ako ng umiyak at masyado pang lutang ang isip ko simula pa nung nakaraang gabi. Thank God sa stock knowledge at na iraos ko ang sarili ko kahit papaano.
Magang maga na ang mga mata ko, pero mabuti narin at walang naglakas loob sa aking magtanong kung bakit dahil wala rin naman akong balak silang sagutin.
Tumanggi ako sa alok ng leader namin na magcelebrate. Successful naman na ang final defense namin 'kaya wala na kong kailngang intindihin pa. Tapos na, bahala na muna sila sa mga dapat pang gawin. Out na muna ako, basta ang gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa.
Pababa ako ng hagdanan mula sa conference room kung saan naganap ang defense namin.
Pansin ko agad ang mga mata ng kapwa ko estudyanteng sakin ay nakatingin.
Yeah, hindi ako bulag. Naningkit lang ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak pero nakaka kita parin naman ako ng maayos.
Nilagpasan ko nalang sila at nagpatuloy na sa paglalakad.
...
Lumipas ang mga araw at wala na talaga ako sa mood na pumasok sa eskwelahan.
For completion nalang naman yung mga kailangan naming gawin, at syempre dahil gusto kong grumaduate ay wala akong choice kundi ang pumasok parin kahit alam kong impyerno na ang naghihintay sa akin sa eskwelahang itinuring kong tahanan.
Kahapon lang ay muntikan pa kaming mapa-away ni Irish sa Cafeteria matapos naming marinig na pinag-uusapan ako ng dalawang babaeng estudyante. Doon ko nalaman na may kung ano-anong issue at chismis na pala ang kumakalat tungkol sa akin.
Kauupo lang namin ni Irish sa table ng marinig ko ang boses ng mga nasa kabilang lamesa.
"I've heard break na raw sila nung boyfriend nya. Yung basketball varsity player"
"Oh? Talaga? Yung gwapong Engineering stud?"
"Oo, and balita ko is may third party raw na involved"
"Talaga ba? Sino naman kaya sa kanila yung nag-cheat?"
"Well, di ka maniniwala kapag nalaman mong yung baklang yan ang naunang magloko. Ang kapal ng mukha! Hindi pa nakuntento? My God!"
"Gosh! Totoo ba sis? Grabe kawawa naman yung guy!"
"True girl, tapos alam mo ba? Nung nalaman daw nung guy yung about sa cheating issue ng baklang yan, nagalit daw then pati sya ay nagcheat narin, and hindi ka maniniwala kung sinong babae ang nainvolved na naman sa gulo"
"Na naman? so it means dati naring na issue yung girl?"
"Yes, and that's no other than Camille the so called slutty bestie ng taon"
"Ewwww, ang landi nung babaeng yun ah!"
"Ewwww talaga, and eto pa ang mas pasabog. May video pa nga na kumalat sa social media sis, have you watched it naba? Well kung di pa, ipi-pm ko nalang sa'yo. I don't have my phone rightnow eh, I left it on my bag sa room"
Matapos nila akong pag-usapan ay hindi nakapag-timpi si Irish sa mga nadinig nya mula sa dalawang estudyanteng iyon.
Agad itong tumayo sa lamesa namin at galit na sinugod ang mga babaeng pinagchismisan ako.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.