Isang araw narin akong namamalagi dito kina Tita Daisy.
Kahapon ko pa sinusubukang tawagan yung number ni Warren na hiningi ko kay Irish kaso di nya sinasagot.
Kaya naisipan kong puntahan na ito sa condo nya.
Sabi kasi nila Irish bumukod na daw si Warren sa parents nya. May sarili na daw itong Condominium unit at doon na ito tumutuloy.
Hiningi ko naman ang address ng condo nito. Nung una ay nag-aalangan pa si Irish kung ibibigay nya ba sa akin, pero sa huli ay napilit ko din sya.
Nagtataka na talaga ako sa inaarte nila sa akin. Para bang pinipigilan nila akong makita ang bestfriend ko.
Kinakabahan tuloy ako kung ano na kaya ang lagay nya dahil sa kung ano anong pagdadahilan nila Irish wag lang akong tumuloy don.
Pero wala na eh, nandito nako.
Agad akong nagtanong sa receptionist kung dito nga ba talaga nakatira si Warren.
Sumagot naman ito ng Oo, pero kailangan daw munang mag-grant ng permission doon sa mismong may ari ng unit bago nila ako paakyatin para bumisita.
Naiintindihan ko naman yun, ganun naman talaga ang mga policies ngayon sa mga ganitong establishments.
Nag-dial naman ang receptionist para tawagan ang telephone number sa room ni Warren.
"Hello po Good Morning Mr. Warren Vasquez, sa reception area po ito. Ah, sir nandito po si sir...." putol nitong sabi at parang tinatanong ang pangalan ko.
"Timothy" sagot ko naman.
"Nandito po si sir Timothy sa may lobby area, magvivisit daw po sana sa inyo" sabi naman nito.
Saglit itong tumango at muling nagbaling ng tingin sa sakin.
"Sir, ano daw pong whole name ninyo?" tanong nitong babae sa akin.
"Ahm, Timothy Guevarra kamo bestfriend nya" sabi ko dito.
"Sir Timothy Guevarra daw po sir, Bestfriend nyo" pag-uulit nito sa kabilang linya.
Saglit pa silang nag-usap at tumango naman ang babaeng receptionist.
Maya maya lang ay ibinaba na nito ang kanyang Telepono.
"Ahm, sorry sir. Hindi daw po tatanggap si Mr. Warren ng kahit sino mang bisita ngayon" sabi nito sakin.
"Huh? Eh bakit daw? Diba sinabi mo namang bestfriend nya ko?"paguulit ko.
Tumango naman ito.
"Opo sir, pero sabi po kasi nya kahit kayo rin daw po ay hindi nya papayagan" malungkot na sabi nito.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Anyare kay Warren???
"Sir siguro po, try nyo nalang ulit next time baka pumayag na sya" sabi pa nito.
Tumango nalang ako kahit disappointed ako sa nangyari. Hindi kaya galit sakin si Warren kaya ayaw nya akong papasukin?
Tsssss oo nga pala, kaya siguro panay ang pigil sakin ni Irish kase baka alam nilang galit sakin si Warren di katulad nila na naging okay na at tinanggap yung explanations ko.
Hayssss.
Umuwi akong bigo na makausap man lang si Warren.
"Oh, insan ba't ganyan mukha mo?" tanong sakin ng pinsan kong si Diego anak ni Tita Daisy.
Kasalukuyan itong nandito sa garahe sa harapan ng bahay nila at mukhang may inaayos sa may sasakyan.
Ngumiti naman ako dito ng mapait.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
Roman d'amourI'll find the way home to your heart. To where my love lies.