"Buti naman at nakinig ka sakin! Edi, at least nalinawan kana ngayon diba? Alam mo na kung ano talaga para kay Grecko yung babaeng yon" react ni Irish sa napaka-habang kwento ko.Ngumiti ako rito ng slight.
Bigla ring nag-iba ang reaksyon ni Irish.
"Pero teka nga, bakit ganyan parin yung mukha mo? Parang di ka masaya? Di kaba satisfied sa mga sinabi sa'yo ni Grecko?" tanong muli nito.
Humigop ako sa kapeng nasa harapan ko.
"Hindi naman yun eh. Kuntento na ko sa mga sagot ni Grecko sa tanong ko. Masaya ako at nalaman ko ang lahat ng iyon pero-" pagputol ko.
"Pero ano?" curious na tanong ni Irish.
"Pero, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng selos" pagpapatuloy ko.
Nag-cross arms si Irish at tumingin sakin ng seryoso.
"Sabagay, hindi kita masisisi. Babae yung kaibigan ng boyfriend mo. Nakakapag-selos talaga yon!" sagot nito.
"Kung bakit kasi, wala bang ibang kaibigan yung babaeng yun, at puro nalang si Grecko ang inaabala nya?" mataray din nitong puna.
Umiling ako.
"Wala?! Grabe ah? Ang loner naman nya!" react kaagad nito.
"Hindi! Ano kaba? Ang ibig kong sabihin hindi ganon. Hindi ako doon sa setup nila ni Grecko nagseselos!" paglilinaw ko.
"Eh saan ka nagseselos aber?" tanong nito.
Napasimangot nalang ang mukha ko.
"Nagseselos ako, kasi mas matagal pang nakasama ni Ashley si Grecko kumpara sakin" sagot ko.
Natigilan si Irish dahil sa sinabi ko.
"Mas madami pa silang pinagsamahan kesa sa relasyon namin. Naiinggit ako sa kanya" dugtong ko pa.
Pansin ko rin ang paglungkot ng mukha ng kaibigan ko.
"Naiinggit ako sa kanya dahil wala ako sa tabi ni Grecko noong mga panahong mahina sya. Si Ashley, si Ashley yung nandoon. Si Ashley yung kasama nya hanggang sa maabot ni Grecko yung mga milestones sa buhay nya. Pero nasan ako? Nasa malayong lugar, nagkikimkim ng galit at kinalimutan sya" malungkot kong sabi.
Hinawakan ni Irish ang mga kamay ko at seryosong tumingin sakin.
"Friend, hindi mo naman kasalanan yun eh. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa panahong wala ka rito. Parehas lang kayong basag ni Grecko nun. Nagkataon lang na si Ashley ang nandito para samahan sya. At ikaw, mas pinili mong lumayo para hanapin at buoin ulit ang sarili mo" sincere nitong sabi sakin.
Napaiyak nako.
Mabuti nalang at si Irish ay nandito.
Nakakagaan talaga ng loob kapag may nasasabihan ka ng mga hinaing at frustrations mo.
Pinilit kong pagaanin ang loob ko.
Gusto ko munang kalimutan kung ano man ang bumabagabag sa aking isipan.
Kailangan ko ring mag-focus nalang sa mga ginagawa ko. Hindi ito makakatulong sa trabaho, sa relasyon namin ni Grecko at lalong lalo na sa sarili ko.
...
Lumipas ang mga araw. Sanay na sanay na ako sa relasyon namin ni Grecko.
Ilang linggo pa lamang kami pero parang ang tagal na sa pakiramdam nitong sa amin.
Sabagay, matagal na sana dapat kaming mag-on kung hindi lang nagbiro ang tadhana.
Next week ay nakatakda ang monthsary namin. Yun yung araw kung saan nagka-ayos kami at nagkabalikan.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.