Love Lies 2U Again - 40

2.9K 99 3
                                    

Maaga akong naligo at nagbihis dahil excited ako para sa araw na ito.

Ngayon ang flight nila Mommy at Cody papuntang Pilipinas.

Grabe makikita at makakasama ko na ulit ang pamangkin at mommy ko!

"Timothy? Paano nga pala kayo pauwi? Saan kayo sasakay ng Mommy mo?" tanong ni Tita sakin.

Oo nga pala, wala dito ang mga pinsan ko. May pasok sa trabaho si Kuya David at si Diego naman ay pasok naman sa school. Walang available na sasakyan rito.

"Ahm, di bale na po. Baka po mag-grab or taxi nalang kami nila Mommy.

Tumango si Tita.

"Ah, ok sige. Ingat kayo. Excited nakong makita ang mommy mo at ang pogi kong apo" sabi pa ni Tita.

Natawa naman ako doon.

Nagpaalam naman na ako kay Tita at umalis na.

Nag-clear out talaga ako ng sched para sa araw na ito dahil gusto kong, personal na sunduin at salubungin sina Mommy at Cody sa pagdating nila.

Si Ms. Pamela muna ang in-charge sa office ngayon. Kayang kaya nya naman na yun dahil ilang beses ko na sa kanyang iniwanan ang Resto sa tuwing wala ako.

Medyo napa aga ata yung dating ko pero okay lang naman at least sure akong di ako late, natural maaga nga eh? Tssss.

Okay Timothy barahin mo pa yang sarili mo, magandang way yan para di ka mainip sa paghihintay.

Mga ilang minuto narin akong naghihintay rito.

Siguro ay sandali nalang at lalapag narin ang eroplano nila alinsunod sa arrival time dito.

"Mukhang naiinip kana ah?" boses mula sa taong tumabi sa akin.

Napalingon tuloy ako sa nagsalita at di ako makapaniwalang nandito sya.

"Grecko?" banggit ko sa pangalan nya.

Tumingin lang ito sakin at itinaas baba ang isang kilay nya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Nagcross arms ito at saka sinagot ang tanong ko.

"Actually galing talaga ko sa Resto nyo to check on you, kaso sabi ng staff mo don wala ka raw kaya pumunta ako sa bahay ng Tita mo. And nalaman kong nandito ka sa Airport para sunduin ang Mommy at Pamangkin mo ng mag-isa" paliwanag nya.

So, galing pa sya sa Resto at Bahay namin at saka pa lamang sya sumunod dito sa Airport?

"Ahm, bakit kapa sumunod dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Tumingin sya sakin ng mariin at parang di makapaniwala sa tinanong ko.

"Timothy, mag-isa ka lang dito oh? Sabi ng Tita mo wala ka raw kasama kaya pinuntahan kita" sagot nya sakin.

"Kahit na, kaya ko naman mag-isa ah. Bakit kailangan mo pakong sundan dito?" pangungulit ko.

Para namang nainis na sya sakin dahil pagiging matanong ko.

"Kasi nga i just want to check on you" sagot nya parin.

May ilang mga tao ang sa amin na ngayon ay nakatingin. Medyo napalakas nga kasi yung boses namin kaya minabuti ko nalang na hinaan na ito.

"Bakit nga? Bakit kailangan mo pang icheck kung okay ako?" tanong ko parin.

Pansin ko sa mata nito ang frustration.

"Kase.. Ahm" putol nyang sabi.

"Kase???" tanong ko.

Lumamlam ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon