Hanggang ngayon yung nangyari parin kanina ang nasa isipan ko.
Tahimik lang kami ni Kobe noon sa byahe hanggang makauwi. Feeling ko nagtampo sya dahil sa sinabi ko kanina eh.
(flashback)
"Timothy, alam kong mabilis pero sana payagan mo kong manligaw sa'yo?" sabi nito.
Ramdam ko naman ang kaseryosohan sa tono nya pero kasi...
"Kobe, ano kasi eh.. ahm, pwede bang mas kilalanin pa muna natin ang isa't isa" sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito at parang nasaktan sa sinabi ko.
"Bakit? Feeling mo ba lolokohin lang kita? Alam ko namang bago lang sakin ang lahat ng ito pero willing naman akong magtake ng risk eh" depensa nito sa sarili nya.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Yun na nga eh, bago lang lahat sa'yo to. Kaya wag mo naman sanang madaliin ang lahat. Maaring gusto mo ko ngayon, pero di natin maipapagkailang straight ka parin. Kobe, wag mong madaliin ang lahat ng bagay, pwedeng infatuation lang ang nararamdaman mo sakin" pagpigil ko sa kanya.
"Pero masaya ko kapag nakikita kita. Kapag magkasama tayo. Timothy, paano mo ieexplain yung nararamdaman ko?" tanong nito sa akin.
Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko.
Kita ko ang paghihintay ni Kobe sa sasabihin or irereact ko.
"Kobe, masaya rin naman ako pag kasama kita. Masaya kong nakahanap ako ng bagong kakilala at kaibigan. Kaya sana Kobe wag naman nating madaliin ang lahat? Ikaw, estudyante kapa, kailangan mong mas magfocus sa pag-aaral mo lalo na't graduating kayo" mahinahon kong sagot sa kanya.
Di naman ito umimik at nanatiling tahimik.
"Kobe ang sakin lang naman, pabayaan mong mas magkakilala pa tayo. Wag mong ibase ang nararamdaman mo sa kakaunting bagay na nalalaman mo sa akin. Hayaan mong mas magkakilanlan pa tayo. Wala naman akong nakikitang masama kung feeling mo nalilito kana sa preference mo. Bigyan mo ng time ang sarili mo para mas makilala mo kung ano ba talaga ang gusto mo" paliwanag ko sa kanya.
Ganun parin sya tahimik lang. Bagama't tumango sya na para bang napipilitan lang sumangayon sa sinabi ko.
At ayun na nga hanggang sa ihatid nya ako dito sa bahay wala parin syang imik.
Sinubukan kong magpaalam at ngumiti sa kanya pero isang tango lang ang nakuha ko.
Siguro nga nagtatampo sya dahil parang feeling nya siguro tinurn down ko na agad sya.
Hayyyyy paano na naman to? Galit na naman kaya sya sakin? Kakabayad ko lang sa utang kong 'date' sa kanya para magkabati kami last time ah! Tsssss.
...
Nandito ako ngayon sa isang supermarket. Kasama ko si Diego dahil namimili kami ng ilang supplies sa bahay. Nauubusan narin kasi kami ng mga canned goods at ilang instant products at condiments kaya kailangan ng mamili.
"Insan, punta lang ako sa snacks section ah!" paalam ni Diego.
"Tssss, ayan ka na naman eh. Pupunuin mo ng chichirya yung grocery cart. Kaya mukhang marami tayong pinamili pero ang totoo puro snacks nyo ni Derrick lang naman ang laman" asar ko sa kanya.
Kumamot naman ito sa ulo nya at parang nahiya sa akin.
May mga nanay kasing nagdadaan at namimili rin sa isle kung nasan kami.
Lumapit si Diego sa akin at bumulong.
"Insan naman oh, wag mo namang lakasan boses mo. Wag kang mag-alala kukuha kita ng snacks na gusto mo, ano ba yun?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
Roman d'amourI'll find the way home to your heart. To where my love lies.