Dumating nga ang weekends at naririto ngayon sa Vancouver sina Mommy at Daddy.
Binisita nila kami at kinamusta. Nakakalungkot lang na nandito nga kami sa iisang bansa pero kailangan pa naming magkalayo-layo. Kaya naman sinulit na namin ang ganitong opportunity habang naka-leave ang Daddy sa trabaho.
Kagagaling lang namin sa pamamasyal. Tuwang tuwa si Mommy dahil ngayon nya lang ulit nakasama ang nag-iisa at napaka-gwapo nyang apo. Halata rin naman ang pagka-sabik ni Cody kay Mommy at Daddy dahil ngayon lang ulit sina nauwi rito pagkatapos ng ilang buwan.
Masyado kasing malayo ang lugar nila Mommy dito sa amin kaya madalang lang talaga ang nagiging pagbisita nila dito.
And speaking of malayo, pinag-usapan narin namin ang magiging pag-alis ko at pagbabalik Pilipinas.
Next month na pala ang magiging launching ng Restaurant. So kailangan ko ng lumipad sa susunod na buwan pabalik ng Pinas. Wala naman akong iba pang sinabi dahil okay naman na para sa akin ang bumalik doon. Although medyo may konting kaba lang, ay wait sobrang kabado ako sa magiging pagbabalik ko.
"Anak, pwede ka bang makausap?" tanong sakin ni Daddy.
Tumango at dito bilang pagtugon.
Lumabas si Daddy at tumungo sa may likuran dito sa may backyard garden ng bahay.
Umupo sya sa isa sa mga benches doon.
Sinenyasan nya akong sumunod at tumabi sa kanya.
Pagkaupo ko, ay sya namang pag-abot sa kin ni Daddy ang isang bote ng beer mula sa isang cooler.
Di ko napansin yun ah?
Agad ko naman itong inabot.
Saglit na namayani ang katahimikan sa amin.
"Kamusta ka anak?" pagsisimula ni Daddy.
Tinungga ko ang bote at uminom doon ng isang lagok bago ko ito sinagot.
"Okay naman po, Daddy" ngumiti ako sa kanya.
"Yung puso mo? Okay naba?" seryosong balik tanong sa akin nito.
Tumingin naman ako sa mukha ni Daddy habang patuloy lang ito sa pag-inom ng beer.
"Okay na po, wag na po kayong mag-alala" sincere kong sabi dito.
Tumingin sya sa akin at inilipat ang tingin sa kalangitan.
"Tama ka nga, ngayon bilib na bilib na ako sa iyo anak. Ikaw ata ang pinakamatapang na tao para sa akin. Napakatatag mo" sabi nito.
Napangiti ako.
Buong buhay ko, ngayon ko lang ulit nakikita ang ganitong klaseng concerned mula sa Daddy ko buhat noong naging pag-amin ko.
Noong nasa Pilipinas pa kami madalas ay nagtatanong lang sya kapag nalaman na nya kay Mommy kung ano ang meron. Akala ko noon ay di nya parin ako tanggap magmula sa pag-amin ko. Sabagay, oo nga pala nag-iisang lalaki nga pala ako. Ako nga pala ang magdadala ng apelyido namin. Nakakalungkot isipin na ganito pa ang kinasapitan ko.
Pero anong magagawa ko? Wala eh, ganito talaga ako. Di ko kayang pekein yun. Ito ang totoong ako. Ang totoong Timothy.
Tandang tanda ko pa ay medyo nagdamdam ako noon sa kanya. Sabi nya, tanggap naman daw nya ako pero taliwas ang nagiging aksyon nya mula sa sinabi nya. Ramdam ko, naging cold ang treatment nya sa akin. Mas madalas nyang sunduin si Ate sa school at kay Mommy nya nalang ako pinapaubayang sunduin.
Umiyak ako noon sa harapan nya at muling humingi ng tawad. Nag-sorry ako ng paulit-ulit at humihiling na tanggapin nya ako.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.