GRECKO's POV:Kasalukuyan akong narereview sa ilang layout sa bago naming project.
Ayoko talaga sanang umalis at iwanang tulog si Timothy kanina pero kailangan eh. Ilang araw narin akong naging busy at hindi pumapasok dito sa office.
Ayoko namang isipin ni Dad na nagiging pabaya ako.
Tiningnan ko ang tambak na paper works na kailangan kong icheck.
Sumasakit na kaagad ang ulo ko.
Wala pa naman akong secretary, should I hire one? Tssss wag nalang siguro, ayoko ng gulo.
Pero bakit ko nga ba iniisip na pagmumulan ng gulo ang pagkuha ko ng sekretarya eh' wala naman akong gagawing masama?
Anyway, ginusto ko to' kaya paninindigan ko nalang.
Fvck! Timothy kailangan kita. Kailangan kitang makausap. Kailangan ko ng energy.
Temp na temp na akong kunin ang phone ko at tawagan ang number ng asawa ko. Yes! Simula ngayon asawa na ang tawag ko sa kanya.
Pero kung gagawin ko yun, alam kong mamimissed ko lang lalo sya. Lalo lang akong walang magagawang trabaho nyan. Or worst baka takasan ko na naman ang work ko. hehe.
Pilit kong tinuon ang focus ko sa mga gagawin ko dito sa office.
Nagdadasal na sana bumilis ang oras at matapos na kaagad ang office hours.
"Grecko, relax lang. Ilang oras nalang din naman at makakauwi ka na, makikita mo narin ang Asawa mo" bulong ko sa isipan ko.
Walang kaalam alam si Timothy na aayain ko na syang tumira sa Condo Unit ko.
Yes, magli-live in na kaming dalawa. Ako at sya titira sa isang bahay.
Bigla namang tumunog ang phone ko, na nagpabalik sa katinuan ko.
"Baka si Timothy!" biglang naisip ko.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at agad agad na sinagot ang caller.
"Hello? Baby" malambing kong sabi.
"Dude! What the fvck?! Baby?!" diring diri na sabi ng nasa kabilang linya.
Teka? Sino ba to?
Sinilip ko ang caller ID at nalaman kong si Cholo pala ang tumawag.
"Gago! Bakit napatawag ka?" tanong ko.
Tumawa ito ng malakas.
"Baby ampota! Hahaha akala mo si Timothy ang tumawag ano?! Langya pre! Wag ka ngang lutang dyan, puro si Timothy ata iniisip mo eh! Tingin tingin din ng caller ID ano?!" asar nito sakin.
Tsssss, gago!
"Ano ba yon huh?! At nanggugulo ka dyan?!" walang gana kong sagot.
"Anyway, tumawag ako dahil kay Timothy" sagot nito.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nya.
"Bakit?! Anong nangyari kay Timothy huh?!" nagaalala kong balik.
"Puntahan mo nalang kami! Dito sa may convenience store malapit sa University" sagot nito.
"Cholo?! Ano! Sagutin mo ko?!" sigaw ko.
Pero wala ng nagsalita sa kabilang linya.
"Hello? Hello?! Cholo?!" malakas kong sabi pero namatay na ang tawag.
Sinubukan kong tawagan pabalik ang phone nito pero cannot be reach agad ang balik sakin.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.