"Okay ka lang?" tanong sakin ni Luke.Tumango ako at ngumiti rito.
Pumasok na si Grecko, mula sa balcony.
Hindi ko maipaliwanag ang mukha nito.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Ashley, sinugod sa Ospital" sagot nito.
Hindi ako agad nakasagot.
Bakit? Bakit sya nasa ospital, tanong ko sa sarili ko."Warren, kayo munang bahala kay Timothy. Aalis lang ako" bilin nito.
Napatango nalang ang bestfriend ko habang umiinom ng beer.
"San ka pupunta?" takang tanong ko.
Lumapit ito sakin at humalik sa pisngi ko.
"Pupuntahan ko lang si Ashley" sabi nito.
"Bakit?" tanong kong muli.
"Timothy, manganganak na sya!" seryosong sabi nya.
Natigilan ako.
"Pupuntahan mo sya? Naka-inom ka Grecko!" balik ko rito.
"Kaya ko pa namang magmaneho eh" sagot nito.
Muli syang yumakap sakin at pagkatapos ay bumitaw na.
Naglakad na muli sya palabas pero bago pa sya makarating sa pintuan ay muli akong nagsalita.
"Hindi, hindi ka magmamaneho" matigas kong sabi.
Tumingin naman sya sakin na parang nagtatanong kung seryoso ako sa sinasabi ko.
"Timothy, please wag na muna nating pagtalunan to" seryoso nitong pakiusap.
"Grecko ano ba?! Kakagaling mo lang sa aksidente dahil nagdrive ka nang lasing. Tapos ngayon ipagpipilitan mong magmaneho kahit na alam nating parehong naka-inom ka?! Grecko! Hindi kita papayagan!" naiinis kong sabi.
Tahimik lang ang lahat at parang nakikiramdam sa tensyon sa aming dalawa.
"Pero Timothy, kailangan kong puntahan si Ashley. Kailangan nya ng kaibigan" muli nitong banggit.
Bakit ganon? Alam kong magkaibigan lang sila pero ang sakit sakin na madinig ang mga ito.
Bakit pakiramdam ko, pinipili akong suwayin ni Grecko para lang dun sa Ashley na yon.
Bakit pakiramdam ko, mas matimbang sakin si Ashley.
Oo nga pala, babae nga pala sya at buntis pa.
Sino ba ako para maging makasarili dito? Nangangailangan ng kaibigan si Ashley sa mga oras na ito.
"Okay, pupuntahan natin sya. Ako ang magdadrive" sagot ko.
...
Tahimik lang kami ni Grecko habang binabagtas ang daan papuntang ospital.
Hindi ako kumikibo at mas lalong hindi ko magawang magsalita.
Kanina pa sorry ng sorry si Grecko. Pero tanging pagtango lang ang nagiging pagtugon ko.
Nang ibaba ko ang kanang kamay ko mula sa manibela ay hinawakan nya ito.
Nakadama naman ako ng security at pag-aalala sa paghawak nyang iyon pero hindi ko maalis sa puso ko yung nararamdaman ko.
Agad kaming nagtanong kung nasaang room ba si Ashley.
Hindi ko alam na ka-buwanan na pala nya?
Sabagay, ang laki na nga talaga nung tiyan nito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.