Kinalma ko nalang ang sarili ko at tiningnan sya.
Alam ko medyo iritable na si Grecko dahil sa lagay nya ngayon. Sino ba namang hindi maiirita gayong basa ang kalahati ng damit mo? Mabuti na nga lang at hindi juice or kung ano mang flavored drinks ang natapon sa kanya kundi ay manlalagkit sya ng husto.
May part sa akin na nagi-guilty dahil may kasalanan rin naman ako kung bakit nangyari yun sa kanya. Kahit totally sya parin ang dapat sisihin kung bakit ako nasamid in the first place diba? Tsssss.
Huminga ako ng malalim at muli syang kinausap.
"Tara na, sumunod ka sa office ko" walang emosyon kong sabi sa kanya.
Bakas ang pagkagulat sa kanya dahil sa sinabi ko.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at tinungo ang way papunta sa opisina ko dito sa loob ng Resto.
Ramdam ko naman ang pagsunod nya sa akin.
Nang makapasok kami ay agad ko namang isinara ang pinto.
"Maghubad ka" utos ko sa kanya.
Halatang naguguluhan sya dahil sa sinabi ko.
"Huh? Bakit? Timothy, alam kong sabik ka sakin pero wag naman dito sa Opisina mo. Dun tayo sa Condo ko pwede?" tanong nito sakin.
Napa-irap ako at di sya sinagot.
"Pwede ba hubarin mo nalang?" inis kong sabi.
Tinaas naman nya ang kamay nya na parang sumusuko na.
"Okay, okay!" sabi nito.
Isa isa nyang kinalas yung mga butones ng longsleeves nya. Pagkatapos ay hinubad na nya ito.
"Oh, ano na?" tanong nya sakin matapos nyang hubarin iyon.
Pansin kong nabasa rin ang suot pa nyang white fitted shirt na pang loob nya.
Muntikan pa akong mapatitig sa katawan nitong hulmado sa kapit na kapit nitong shirt.
Fuck! Timothy! Umayos ka!
Huminga ako ng malalim at muling nagsalita.
"Hubarin mo rin yang panloob mo" utos ko sa kanya.
Muli na namang bumakas ang naguguluhang itsura nito pero hinubad nya parin.
"Timothy! Kung gusto mo na talagang gawin? Pwede ba, ayusin muna natin ang lahat? Ayokong may mangyari satin ng ganito pa tayo oh! Pleaseeee Baby, handa naman na ako sa'yo matagal na eh. Para sa'yo lang to pero sana naman-" hindi na nya natapos ang kaartehang sasabihin nya dahil hinablot ko na sa kamay nya ang pinaghubaran nyang shirt at mahinang hinampas sa mukha nya.
"Tssssss ano bang sinasabi mo? Kukunin ko lang yung basa mong damit at itatapat ko sa hand-dryer para matuyo! Dami mong arte dyan?!" asar kong sabi sa kanya.
Tinungo ko ang sarili kong banyo sa loob ng office ko.
Agad ko ring tinapat sa hand-dryer ang mga nabasang parte ng long sleeves ni Grecko.
Sumunod naman sakin si Grecko at parang natauhan dahil sa ginagawa ko.
"A-akala ko. Balak mo ng gawin natin eh-" nauutal nitong sabi.
Di ko pinansin ang sinabi nya although alam ko kung ano ang tinutukoy nya. Ayoko lang magpakitang apektado ako or importante pa sakin yung mga sinasabi nya.
"Lol Timothy? Sinong niloko mo? Eh panay nga ang react mo sa kung ano mang sabihin or pang-aasar sa'yo ng nilalang na yan eh!" bwisit na bulong ng utak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/181060990-288-k724762.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.