Love Lies 2U Again - 57

2.5K 73 5
                                    


"Bakit kapa nagpunta rito?" singhal sa akin ng babaeng palapit sa amin.

Bitbit nito ang bag nya at may hawak rin syang paper bag na may lamang mga prutas.

Halatang karatating lang din nito.

"Wala kang karapatang magdesisyon ng kung sino ang bibisita kay Grecko, pwede ba!" mataray na sagot ni Irish dito.

Hindi ko inaasahang ipagtatanggol ako ng kaibigan ko.

"Wow? Baka naman nakakalimutan mong itong kaibigan nyo lang naman na ito, ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Grecko?" sagot nitong muli.

Sasagot pa sana si Irish ng biglang...

"TAMA NA!" sigaw ni Grecko.

Nagulat kaming lahat sa pagtataas nito ng boses.

"Makakaalis kana" sambit nito.

"Pero, kararating ko lang. Di mo ba nakita?" react ng babae.

Umiling lamang si Grecko at muling nagsalita.

"No, not you Ashley. Ikaw...."sabay tingin nito sa akin.

"Makakaalis kana" walang emosyon nitong sabi.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko, maging kay Grecko.

Pinapaalis nya ako?

"GRECKO!" inis na reaksyon ni Irish dito.

"Pare ano ba!" pigil rin ng bestfriend nyang si Cholo.

Napayuko na lamang ako sa kahihiyan.

Huminga ako ng malalim at piniling magsalita.

"Sige, guys una nako" paalam ko sa kanila.

"Hinde! Hindi ka aalis Timothy!" pagmamatigas ni Irish.

"Grecko! Ano ba! Si Timothy ba talaga ang papaalisin mo?" muli nitong pangungumbinsi kay Grecko.

"Hey! Ano ba? Di mo ba sya nadinig? Pinapaalis na nya yung kaibigan nyo? Kaya pwede ba manahimik ka nalang?" sabat ng babae sa likuran ko.

"Che! Ikaw ang manahimik dyan! Wag kang epal!" balik ni Irish dito.

"Pwede ba! Irish manahimik ka na nga!" inis na sagot ni Grecko rito.

Huminga ako muli ng malalim at umiling.

"Okay lang, aalis nalang ako. Sya nga pala. Nagdala ako ng prutas para sa'yo. Magpagaling ka" sincere kong sabi.

Muli akong tumingin kay Grecko. Pero malamlam lamang ang mga mata nito na nakatingin sa ibang direksyon. Ni-ayaw nya akong bigya ng pansin.

Kaya pinili kong tumalikod na umalis doon.

Dinig ko pa ang mga pagtawag ng kaibigan ko pero mabilis ang naging paglalakad ko.

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtype ng mensahe para sa pinsan kong si Diego.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Wag kang iiyak Timothy! Wag kang iiyak!" pag pigil ko sa sarili ko.

Pero wala na. Naluluha na ako eh.

"Tangina! Galit sya sa'yo. Deserve mo yan! Bobo ka kasi! Sinaktan mo, natural lang na kamuhian ka nung tao!" inis na sermon ko sa sarili ko.

Pagkalabas ko palang ng gate ay sya ring pagtawag sa akin ni Irish.

"Timothy!" sigaw nito.

Nagtataka man ay agad kong pinahid ang mga luha ko at humarap dito.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon