Love Lies 2U Again - 51

2.7K 98 4
                                    


"Ahm, pumasok ka narin doon. Kumain kana" nahihiya kong banggit.

Matapos kaming iwanan ni Warren at ni Gustav ay di ko alam kung paanong pagkausap ang gagawin ko sa lalaking naiwan sa harapan ko.

Well, naisip kong mas mainam na pagkatapos na nyang kumain saka ko sya pasasalamatan. Nakakahiya rin naman kasi, alam kong pagod sya kaya mainam na makakain na muna sya tutal sya naman ang gumastos at nag-effort para sa lahat ng ito.

"Samahan mo ko?" alok nito sa akin.

Hindi pa man ako nakakasagot ay agad nyang hinawakan ang pulso ko at iginiya papasok kasama sya.

Lahat ng mata ay sa amin agad nakatingin.

Nahiya naman akong tapunan din sila ng tingin. Diretso lang ang mata ko sa dinadaanan patungo sa isang partikular na lamesa.

Napalingon ako sa taong parating.

"Siguro nalang ako tatabi kila Mommy" saad ni Gustav dala ang plato nyang may lamang pagkain.

Umiling naman ako.

"No! Okay lang! Dito kana Gustav" pag-aalok ko.

Ngumiti ito at nagbaling naman ito ng tingin sa kapatid nya.

"Hindi na. Doon nalang ako, nang masolo ka nyang kapatid ko" sabi nito sa nangaasar na tono.

Kumindat pa ito at tinapik ang balikat ng kapatid nya bago tuluyang umalis para lapitan ang table nila Tita Betina. Kung saan busy'ng busy ito sa pakikipag-chikahan kay Mommy habang sila'y kumakain.

Jusko, ano kayang pinag-uusapan nila?

"Ahm, sige kumuha kana ng food mo" nahihiya kong sabi kay Grecko.

Nag-smirk pa ito bago tumayo.

"Ikaw, kumain kana ba? Anong gusto mo? Ikukuha kita" offer nito.

Umiling ako.

"Busog pa ako. Kumain narin ako ng slight kanina habang may programme" sabi ko rito.

Ngumiti naman sya at tumango bago tuluyang pumunta sa buffet table.

I don't know but there's really something off kay Grecko.

Masyado ata syang tahimik? Di ako sanay.

Well, mainam narin siguro to kesa naman sa binubwisit nya ako diba?

Ilang sandali lang rin ay bumalik na ito sa lamesa namin.

Nagbaba ito ng plato sa harapan ko.

"Just in case nagugutom kapa" sabi nito.

Tiningnan ko ang laman ng platong ibinaba nya.

Carbonara, favorite ko.

"Alam kong favorite mo yan, balita ko tita mo pa raw ang nagluto nyan" sabi nito.

Oo nga pala! Ito yung request ko! Paano ko naman mahihindian ang masarap na pagkaing ito?

Ngumiti ako sa kanya.

"So ano? Sasabayan mo naba akong kumain?" tanong nito.

Tsssss, alam naman nyang hindi ko kayang tanggihan yung pagkain ibinaba nya eh. Wala na, nandito na ito eh' sayang naman kung di ko kakainin. Saka bawal na itong ibalik sa pinagkuhanan at baka maging cause pa ng pagkapanis.

Napailing nalang ako at sumubo na nga sa paboritong pasta dish ko.

Tahimik lang kaming kumakain ni Grecko.

Aaminin ko naiilang ako ngayon sa atmosphere sa pagitan namin.

Idagdag pa dyan ang mga panaka-nakang tingin sa amin ng tropa. Maging sina Mommy at Tita Betina man ay nagbabaling ng tingin sa amin pagkatapos ay magtatawanan na halatang kaming mga anak nila ang pinag-uusapan.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon