Love Lies 2U Again - 69

2.4K 71 6
                                    


Pansin ko naman na kausap parin ni Edward si Irish sa phone nito.

"Grabe naman kayo, kailangang kahit kumakain na 'magkausap parin?" tanong ko kay Edward.

"Ganun talaga boy" sagot nito.

"Tsssss, lakas naman maka-ldr ah? Pero araw araw naman kayong nagkikita" natatawang sabi ko.

Napailing nalang si Edward dahil sa sinabi ko.

Itinapat nito ang phone nya sakin, hinugot ang nakasaksak na headset at sinet sa loudspeaker ang videocall.

"Tsk! Nakakakinis kayo! Ang dadaya nyo!" inis na sabi ni Irish.

Natawa naman ako habang sumusubo ng pagkain.

"Hey bitch! Mainggit ka lang!" pang-aasar ko rito.

Pansin kong inirapan ako nito.

"Sino ba kasing may plano nyang All boys, chill nights na yan?!" reklamo muli nito.

"Ako bakit?" biglang singit ni Warren sa screen.

"Ang daya nyo talaga, nakakainis ka" asar na sabi ni Irish.

Tumawa naman si Warren na tila nang aasar pa lalo.

"Kala nyo, aayain ko rin yung mga girls. All Girls Night out rin! At Timothy?! Hindi kana kasama don! You betrayed us' mas bet mo pa yang mga boys kesa samin, ouch!" drama nito sabay hawak sa dede nya este sa dibdib nya.

Natawa nalang kami sa kaartehan nito.

"You do note! That mah liar is a peyk!" nang aasar sabi ni Warren dito.

Mas nagtawanan pa kami.

Pinilit kong ubusin yung pagkaing binigay sakin ni Grecko. Kahit alam kong masuka-suka nako sa kabusugan.

"Sayang ang grasya, maraming nagugutom. Masamang magtapon" yan nalang ang binubulong ko sa isipan ko.

Tsssss, paano ko makaka-inom nito?

Feeling ko isang lagok ko palang sa beer or alak eh' sa lababo or toilet na kaagad ang takbo ko.

"Hey? You okay?" tanong sakin ni Ashton.

Tumingin ako rito at ngumiti.

"Oo, okay lang ako" sagot ko.

Tumayo ito saglit at nagsoli ata ng pinagkainan.

Maya maya ay bumalik ito at nag-abot sa akin ng isang basong apple juice.

Tamang tama, ang dami kong nakain ng wala man lang panulak. Buti hindi ako nahirinan.

"Thank yo-" magpasalamat palang sana ako ng biglang may kamay na umabot dito.

"Oy, pre salamat!" singit ni Grecko sabay abot sa baso ng juice.

Mabilis nya itong nilagok at inubos kaagad.

Nagulat nalang ako at wala ng nagawa.

Umalis rin si Grecko, matapos nitong tunggain yung juice, dala-dala ang baso.

Muli na namang nakatingin sakin ang lahat.

"Baket?" tanong ko.

Napangisi si Cholo sakin.

"Ang haba ng buhok mo sis!" sabi nito sa nang-aasar na tono.

Huh?

Bumalik si Grecko at nag-abot sakin ng isang basong tubig.

"Oh? Alam kong di kapa uminom" sabi nito.

Napatingin ako sa baso.

"Bakit hindi juice? Wala naba? Tubig lang talaga?" tanong ko.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon