Chapter 1

1.5K 23 4
                                    


Unknown POV

Sabi nila may mga taong nakalaan na para sa atin. Yung iba pinipiling hanapin kisa maghintay kaya madalas masaktan sa dahilang hindi naman sila ang para sa isa't isa.

Ewan ko ba kong bakit gusto nilang magmahal ng taong 'di sila siguradong magtatagal at hinahayaang masaktan ang kanilang damdamin.

AKO?

Gusto ko rin syang hanapin at makilala pero mas pinili ko ang maghintay, dadating rin siya.

Ayokong masaktan at manakit ng babaeng 'di ako siguradong mahal ko.

Gusto ko yong sigurado, yong masasabi ko sa sarili kong sya na nga!

Natigil ako sa pag-iisip at natawa..

Epekto na ata ito ng kakanood ko ng love story. Oo, hindi ko itatangging nanunuod ako ng ganon, di porket nanunuod ng ganon e bakla na hindi ba? Maganda rin kasing manuod ng love story. Naaaware ka sa nangyayari sa tao ngayon tungkol sa pag-ibig. Nakakakuha ka rin ng aral sa panonood ng romance o ano pang palabas. Pangpalipas oras narin yun dahil wala rin naman akong ibang magawa sa bahay.

Anyway.. nagmamaniho ako ngayon..

Kanina pa ako palibot-libot at nagsusuot kong saan, buti nga at naitakas ko itong kotse. Ewan ko ba, hindi pa naman ako mamamatay masyadong silang protected at mag-alala. Mas lalong hindi ako lumpo't kailangan pang ipaalam sa kanila kong saan ako pupunta't ipagmaniho nila, isa pa marunong naman akong magdrive.

Labing walong taong gulang nako pero 'di ko magawang gumala nang mag-isa kailangang may kasama at kailangang alam nila lahat ng ganap ko sa buong araw. Alam kong ayaw nilang mapahamak ako pero nakakasakal na rin minsan.

O sya , itigil na natin ang kadramahang ito, ayoko ring malungkot ngayon.

Gusto kong namnamin ang kalayaan.

Nakatingin pa rin ako sa daan, bigla ko nalang napansin ang mga maliit na butil ng tubig sa windshield ng kotse.

"Umaambon?" Bahagya akong tumingala sa itaas.

Ngayon ko lang napansing makulimlim ang langit. Binalik ko ang tingin sa daan, medyo tahimik ang dinadaanan ko ngayon walang masyadong sasakyan at pati tao ay wala. Kaya nagpatugtug nalang ako.

"Hindi ako mabubuhay dito." Nasabi ko nalang nang ramdam kong ang tahimik ng daang binabaybay ko.

Bigla nalang bumagsak ang ulan. Binagalan ko na ng pagdadrive, mabuti nang safe, medyo lumabo ang daan dahil sa malakas na bagsak ng ulan. Unti-unti naring lumamig.

Kailangan ko na atang umuwi?

Ang malas ko, umulan pa!

"Kainis mensan nanga lang lalabas!" sabay kamot ng noo ko.

Nasa daan ang tingin ko, may naaninag akong tao sa gitna ng daan. Hindi ko alam kong babae o lalaki dahil malayo layo pa ako sa kanya nang makalapit ay nakumpirma kong babae ito.

Itinigil ko ang kotse 'di kalayuan sa kanya.

Ewan ko ba pero napangiti ako sa ginagawa nya para syang bata tuwang tuwa habang nasa ilalim ng ulan.

Sino ba 'to???





Loisa's POV

"Ate, gising na!"

Ramdam ko ang maliit na kamay ng aking kapatid na babae habang niyuyogyog ako sa braso.

"Aria, ang aga pa.." sabi ko sa kanya at nagtalukbong ng kumot.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon