Ronnie's POV
"Umuwi na tayo," sabi ni Ck nang makalabas kami ng Guidance Office.
Palabas na kami kanina nang makasalubong namin ang ilang guro, may nagreport ata ng nangyari kaya nagmamadali sila. At 'pag minamalas ka nga naman nakita pa ang mukha kong duguan. Kaya nadala kami sa guidance office.
"Bilis, pasok na," natigil ako sa pag-iisip.
"Pero may pasok--"
"Papasok ka na ganyan ang itsura?" Dismayado nitong pahayag.
Marahan kong sinapo ang pisngi. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi sa parting iyon.
"Pasok!" sa tono ng boses nya alam kong makakatanggap ako ng sermon.
Sinunod ko sya. Buong byahe tahimik sya. Walang imik. Ugali nya kapag galit.
Unang bumaba si Ck at pumasok sa bahay. Naiwan naman ako, bago bumaba ay tinignan ko ang mukha ko sa nakapatay kong telepono.
"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ko sa sarili.
Agad kong nakita ang isang pasa sa kanang pisngi ko at ang pumutok kong labi na may dugo pa. Nalukot din ang suot kong polo shirt at nagulo ang buhok ko sa pag-aaway namin ni Jameson.
Dapat mas nagtimpi pa 'ko. "Sana 'di nangyari 'to."
Huminga ako ng malalim bago sumunod sa loob. Bumungad sa akin si Ck na kalalabas lang ng kusina.
"Gamutin mo 'yang sugat mo," padabog niyang nilapag ang first aid kit sa mesa.
Tahimik akong umupo sa sofa habang sya lumakad palapit sa bintana, may tinatanaw sa labas.
"Ahhh..." Daing ko nang makaramdam ang hapdi habang nilalagyan ng gamot ang sugat sa gilid ng labi ko.
Nahuli ko si Ck'ng napasabunot ng buhok niya.
Tapos bigla syang lumapit at hinarap ako. Umangat ako para makita ko sya."Ano 'yon? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo," hinagod niya ulit ang buhok, pababa sa likod ng ulo nito, na para bang nawawalan na sya ng ipapayo sa akin. "Bakit 'di ka nalang umiwas?" malutong na tanong nya.
'Di naman ako makasagot.
"Mas una akong aatakihin sa ginagawa mo," inilayo nya ang tingin sa akin. "Ilang beses kong sinabi sayo--" Tumigil sya nang mapagtantong tumataas na ang boses nya. "'Di ko na alam ang gagawin sayo."
Naglakas loob ako para sumagot. "Una nya akong sinuntok. 'Di naman ata tamang magpabugbog ako sa kanya."
"Kaya mo sya nilabana--"
"Oo," putol ko sa kanya.
Hinilot nya ang pagitan ng kilay niya. At bumuntong hininga.
"Iyon naman ang tama 'di ba?Ang lumaban hindi yung--"
"Ang tama, ang umiwas. Iyon ang tama!" sinigawan niya na ako. "At alam mo 'yan!"
Wala akong maitugon dahil tama sya. Alam ko rin 'yon pero hindi pumasok ang mga yon kanina sa ulo, nang kainin na ng galit ang sistema ko
"Ayaw kong sabihin ito pero--" naging seryoso ang tono nya. "Siguro iwasan mo muna si Loisa. Dumistansya ka muna."
Bigla kong naitapon ang tingin sa kanya. 'Di ko alam pero uminit ang ulo ko sa naging tugon nya.
"Anong pinagkaiba mo sa kanya?" 'di ko inalis ang mata sa kanya. "Iyan rin ang hiningi nya sa'kin kanina!"
"Kahit pansamantala lang."
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...