Chapter 15

405 13 3
                                    

Loisa's POV

"Ang chaka nong nanalo kagabi, grabe mas maganda pa ako don." Kwento ni Aislin.

"Pero matalino."

"Oo." Aislin.

"Iyon ang wala ka!" Pang-aasar ko.

"Grabe ka sa'kin, 'di ako ang kalaban dito huh."

"Sino ba umaaway sa'yo."

"Ikaw!" Sabay tawa nito.

"Sira!" Tugon ko.

Nandito kami ngayon ni Aislin sa kwarto ko. Gumala sya kasi may sasabihin daw sya sa'kin pero 'di nya pa sinasabi. Ikweninto nya lang ang nagyari kagabi sa event.

Sabado ngayon, tamang-tama makakapagpahinga ang mga estudyante at guro.

"Alam mo ba si Ronnie kagabi? 'Di makausap. Nakazipper ata ang bibig at nakasimangot." Simula nya. "Bakit kasi 'di ka pumunta? Huh? Sa'yo lang iyon nakikipag-usap e."

"'Di nga." Umayos ako ng upo at ipinatong ang isang unan sa kandungan ko.

"Nagsasalita sya, pero jusko Lord! Isang tanong, isang sagot." Parang naiirita nitong kwento. "Kaya hinayaan ko na. Si Ck nalang kinausap ko."

"Ganon talaga sya."

"Hindi huh!" Sigaw nito.

Tignan mo ang babaeng 'to. Magkaharap lang kami pero kong sumagot parang nasa kabilang bundok ako.

"Ang daldal kaya non kapag andyan ka." Pasigaw nya ulit na sagot.

"Bakit ka sumisigaw!" Pinalo ko sya ng unan.

"Trip ko lang."

"Baliw. HAHAHA!"

Nadadamay ako sa kanya e. Kong ano-anong trip.

"Tapos, biglang umalis sya, ayaw nga sya paalisin ni Ck e pero nagpumilit kaya pinagtulakan ni Ck paalis." Patuloy niya. Tumawa pa sya.

Nakitawa nalang ako sa biro niya.

"Ano iniisip mo? Ngiting-ngiti e." Aislin.

"Wala naman."

"Wala daw."

'Di pala sya pinayagang umalis, umalis parin.

Ganito kasi yun..

Nang matapos kong makita ang video ni Ronnie. Dalawang oras ang dumaan, itinext ko syang sunduin ako. Agad  naman syang nagreply sa text ko.

Kaya nag-ayos na ako. Nagsuot ako ng jacket na kulay gray at jogging pant. Umulan kasi kanina pero tumila na. Siguradong malamig sa labas kaya ito ang isinuot ko. At robber shoes.

Buti at gising pa si Mama nakapagpaalam akong umalis kahit mag-aalas dyes na. Ayaw nya pa akong payagan pero nang makita nyang si Ronnie ang kasama ko pumayag naman sya.

"Good Evening." Salubong ko sa kanya sa labas. Lalabas pa sana sya ng kotse. "'Wag kana bumaba." Naglakad ako patungo sa kotse nya at sumakay sa harap.

"Magandang gabi." Bati nya nang nakangiti. Tinignan nya ako ulo hanggang paa. "Ano 'yang suot mo?" Nagtataka.

"May mali ba?"

"Pupunta tayo ng school ng nakaganyan ka?" Naghintay sya ng sagot. Nakatingin lang sya sa'kin. "Mag-jojogging ka?"

Natawa ako sa huli nyang tanong. "Sino bang nag-jojogging ng ganitong oras?"

"Ikaw." Agad nyang tugon.

"Hahaha. Punta tayo sa ibang lugar 'wag sa eskwelahan." Nag-isip ako ng mapupuntahan. "Hmm.. seven eleven tayo. Kung okay lang sa'yo, baka gusto mong bumalik pa sa event?"

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon