Loisa's POV
"RONNIE!"
Halos mawala ang boses ko sa pagsigaw nang matumba si Ronnie dahil sa pagsuntok ni Jameson. Takbuhan kami ni Ck, Jon at Aislin.
"Ronnie," tangi kong nabanggit nang makalapit kami.
"Jon, iupo mo si Ronnie. Hindi sya pwede nakahiga," utos ni Ck na sinunod agad ni Jon, na halatang kabado rin sa nangyari.
"Ang hina naman pala ng lalaking 'yan e, isang suntok ko pal---"
Lumipad ang kamao ni Ck sa mukha ni Jameson dahilan para mapaupo ito sa sahig.
Tumawa si Jameson habang hawak ang labi nyang dumudugo na ngayon. Saka sinamaan nya ng tingin si Ck. "I didn't expect that."
Nakita ko nang magalit si Ck pero iba iyong galit nya ngayon. Parang isang bulkan na sasabog. Kita ko napapatiim bagang ito habang nakatingin kay Jameson.
Hirap na tumayo si Jameson pero bago sya makatayo ng maayos ay sinunggaban ulit sya ng suntok ni Ck at natumba ng tuluyan.
"Kailangan natin syang dalhin sa clinic!" Tarantang sigaw ni Jon, habang inaasikaso si Ronnie. "Kinakapos sya ng hininga."
Taas baba ang dibdib ni Ronnie. "Anong gagawin natin?" Nanginginig kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mukha ni Ronnie.
Dumadami na ang tao. Kita ko ring patungo sa amin sina Amor at Patricia.
"God! Anong nangyari, Ronnie!" Tinabig ko ang kamay ni Patricia nang akmang hahawakan nya ang mukha ni Ronnie.
"Ck tama na ano ba!" Sigaw ni Aislin dahil nagsusuntukan parin sila.
Duguan narin ang mukha ni Ck pero mas dihado ang mukha ni Jameson.
Hinatak ni Aislin si Ck pero ayaw nitong bitawan si Jameson sa pagkakahawak sa kwelyo.
"'Pag may nangyari!" Nanginginig ang boses ni Ck sa galit. "Mapapatay kitang gago ka!" Itinaas nya ulit ang kanang kamay nya para suntukin si Jameson.
Nang palapit na ang kamao niya sa mukha ni Jameson. "TAMA NA NGA!" Natigil sya sa pagsigaw ng girlfriend nya.
Naging daan naman iyon para masuntok ni Jameson si Ck. Napaatras ito at muntik na matumba.
Ano na bang nangyayari?
"Ano ba tumigil na kayo," sa dulo nang dila ko, ayaw lumabas ng bibig ko.
Ayaw parin nilang tumigil. Tumayo ako at pumunta sa gitna nila. "Please tama na, okay pwede ba!" Singhal ko sa kanila.
"Ang gagong 'yan e pakialamiro!" Jameson.
"'Wag mong galawin si Ronnie kung ayaw mong makialam ako!" Ck.
Tumawa si Jameson sa naging tugon ni Ck. "Kung wala ka lang syota aakalain ko talagang bading ka! Ang OA mo!"
"Gago ka talaga!"
Sumugod ulit si Ck habang pinipigilan ni Aislin. Tangi kong nagawa ay pigilan ang braso ni Jameson sa pag-angat.
May ilan narin tumulong na awatin ang dalawa. "Ck, tama na sabi e!" Aislin.
"Bitiwan mo ko!" Sita ni Jameson sa akin. "Sabing bitiwan mo ko!" Pwersahan nya akong itinulak kaya nabangga ako sa pader at napaupo sa sahig.
Natigil ang lahat sa pagdaing ko, ang sakit ng braso ko at pang-upo ko. Nawala rin agad iyon at nag-apoy ang galit sa mata ko.
Lumapit si Jon at tinulungan akong makatayo.
"SABI KONG TAMA NA, TAMA NAAAA!" Napasabunot ako sa buhok. "ANG BOBO NYO! TAMA NA, 'DI NYO MAINTINDIHAN," lumapit si Jameson sa akin.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...