Aislin's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga sa kama, feeling ko nasa cloud nine pa ako. May kung ano sa loob ng tyan ko. Hindi 'to kabag, dahil 'to kay Ck sa ka-romantic-an nya.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Tinignan ko ang suot kong kwentas saka napangiti.
Nilaro ko ang pendant nitong hugis bilog. Simpling bilog.
Nang una ko itong makita ay hindi ako ganon kasaya, kaya tinanong ko sya kung bakit ito. Sabi nya 'bilog dahil sayo lang kasi umiikot ang mundo ko', natawa ako kasi ang corny nya at the same time magustuhan ko na rin iyong simple pendant.
Hindi naman sa nag-expect ako ng iba, its just that masyadong plain iyong design kaya ganon ang unang reaksyon ko.
At inamin nya ring nahirapan syang mag-decide kung anong ireregalo nya sa akin kasi nasa akin na raw lahat, na mayaman ako. Tinanong nya nga ako kung ano ba gusto kong regalo.
Sabi ko, 'kahit ikaw nalang regalo mo sa akin okay na' nagtawanan kaming dalawa matapos kung sabihin iyon. At sabay sabing 'ang corny natin'.
Ilang beses na nga akong ngumiti nang makauwi ako, sumasagi kasi sa utak ko ang ka-corny-han namin kanina.
Dumapa ako sa kama nang nagsawa akong tignan ang sarili ko sa salamin at dinukot ang cellphone sa sidetable.
May naisip na naman akong kalokohan. Hinanap ko ang number ni Ck sa contact list at tinawagan sya.
"Ang bilis sumagot huh," tumikhim ako bago bumati sa kanya. "Good Evening!"
"Anong oras na gising ka pa?" Napairap ako sa tugon nya.
"Ikaw nga rin gising, magpupuyat ka na naman!?
"Hindi, patulog nanga ako."
"Ahh ganon ba, naabala pala kita. Sige, baba ko na, may sasabihin sana ako, next time nalang," paawa.
Tumawa ako ng walang ingay. Wala ako magawa, kaya hayaan nyo na ako.
"Wala akong sinabing istorbo ka huh! Ano ba sasabihin mo?"
"Hindi na, matulog ka na. Good Night. Baba ko na," nagpipigil akong tumawa.
Tumalab ang kaartihan ko sa kanya. "'Wag mo muna ibaba. Ano ba kasi 'yon?"
"Wala nga," pinanindigan ko na talaga. "Baba ko na," nagtakip na ako nang bibig at baka matawa ako, mabisto nya ko.
Gumulong ako sa kabilang side ng kama, paharap sa bintana.
"Sige, ibaba mo magtatampo ako." Drama nya. "Ano nga iyon? Baka 'di mo na naman ako pansinin nyan dahil 'di ko pinakinggan kwento mo," dugtong nya.
Nangiti ako, kilala nya na ako. Alam nya kung kaylan ako magtatampo.
"Sabihin mo na," pangungulit nya. "Uy, Aislin, andyan ka pa?"
"Oo," umupo ako sa kama.
"Ano na?"
"Baka magalit ka sa sasabihin ko," paligoy ligoy ko.
"Wala ka pa ngang sinasabi, ano nga 'yon?"
Ito na nga ang naisip ko, sasabihin ko na. Huminga muna ako nang malalim habang nagpipigil tumawa.
"Gumawa tayo ng baby."
"Iyon lang pala, guma--- ANO!" Sigaw nya sa kabilang linya. "Anong baby?!"
Ang lakas ng sigaw nya buti at nailayo ko agad sa tainga ko ang cellphone. Baka ako ay mabingi
Namutawi naman ang malakas kong halakhak sa loob ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...