Chapter 18

405 12 0
                                    

Loisa's POV

Sabado ngayon pero pupunta ako ng paaralan. Bakit? Tutulungan ko si Ronnie sa punishment nya. Kasalanan ko rin kaya nabugbog sya. At ito ang paraan ko para mawala ang guilt ko sa nangyari.

Actually hindi ko alam na may parusa pala. Nalaman ko nalang ng sabihin ni Aislin sa'kin dahil nakwento sa kanya ni Ck.

"Ma, aalis na ako," sigaw ko kay Mama sa itaas. Kaming dalawa pa kasi ang gising. Iyong mga kapatid ko tulog pa at si Papa.

"Sige, ingat ka," sagot nito.

"Opo," sigaw ko ulit saka tinungo ang pinto.

Halos apat na minuto akong nakasakay sa tricycle, una kasing hinatid ng driver ang dalawa pasaherong kasama ko.

"Good Morning Manong," bati ko sa guard.

Nginitian nya ako.

"Loisa!" napalingon ako sa labas nang may sumigaw ng pangalan ko. "Hintayin mo ko," si Aislin. Kakatigil lang ng kotse nya sa harap ng gate.

Mabilis syang bumaba at tumakbo sa'kin. "Hi, Manong!" bati nito kay Manong guard.

"Ang aga nyo, may pasok ba kayo?"

"Maglilinis lang po. Sige mauna na po kami," hinatak nya ako sa braso.

"Akala ko ba may lakad kayo ng Mama mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo, pero may urgent meeting. Hindi kami natuloy kaya ito," ngiting ngiti sya. "Gusto ko rin makita si Ck," kinindatan nya pa ako.

"Tinamaan ka na," natawa ako sa inasta nya.

"O-oo? Mukha?"

"Kahit 'di mo sabihin, halata naman. Kasi kong wala kang gusto sa kanya 'di ka mahihiyang magloko sa harap nya. Gaya ng ginagawa mo kay Jon."

Kasi kapag andyan si Ck, bigla syang natatamihik, naghihinhinan.

"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa," hinampas nya ako sa braso at ayaw tumigil kakangiti.

"Haist, ewan ko sayo. Dyan ka nanga!" tumakbo ako palayo sa kanya.

"Hintay, daya nito. Nang-iiwan!" nakasunod lang sya sa akin.

Hingal kabayo kaming tumigil sa bukana ng canteen.

"Anong ginagawa nyo rito?"

Umayos ako ng tayo. Nang makita namin si Ck na nakatayo sa may pinto. May dalang dustpan na may ilang piraso ng mga balat ng pagkain.

"Ahh... Tutulong," Aislin.

Nangunot ang noo ko sa pagbabago ng tono ng boses nitong katabi ko. Pabebe mode na sya. Hindi bagay.

Bakas ng pagtataka ang mukha ni Ck. "Tutulong kami maglinis. Kasalanan ko din--" nahihiya kong sabi. "Kaya nandito ako... kami," tinapik ko si Aislin sa balikat.

"Hi!" Aislin.

Nahilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha. Kung narinig nyo lang boses nya mapapairap kayo.

"Kaya na namin dito. Umuwi nalang kayo." Ck.

"Hindi, tutulong ako." Ako.

"Syempre ako rin." Aislin.

"Sige kayo ang bahala." nakangiting tugon ni Ck. Alam ko rin na gusto nitong makita ang kaibigan ko kaya 'di kami pinilit na umalis.

"Nasa'n nga pala si Ronnie?" tanong ko.

"Nasa kusina."

"Sige maiwan ko muna kayo." tinungo ko agad ang kusina.

Nakita ko syang nagpupunas sa mesa, malapit sa lagayan ng mga gamit sa pagluto.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon