Dedicated to: ThisIs_0203 hangaldkanyagusto EngiecbfcMarquezgjg angeldeleon14 MeiriaDenise AuroraTutanes RisheneSumalinog Bell12878 vilando36 abosslotz Charina1015 BabyroseCarlos3 lara_spetnz
~~~~~
Ronnie's POV
Nakangiti akong pumasok ng kwarto para magpahinga.
Ibinaba ko sa side table ang cellphone ko matapos mag-reply ng 'good night' kay Loisa.
Excited na ako bukas, ilalabas ko sya. At meron na akong plano kung saan ko sya dadalhin.
Pahiga na ako sa kama nang maramdaman ko ang hilo, ilang segundo lang ay parang piniga ang puso ko.
Bigla itong kumirot. Hinagod ko ang kaliwa kong dibdib.
"Ahhh!" Daing ko habang pinipigilan 'di gumawa ng ingay.
Ayokong mag-alala si Ck, sila.
Napayuko ako, unting kinakapos ng hininga. Pinilit kong tumingala para makahinga ng maayos.
"Ahhh a-ano ba! Tu-tumigil ka na!" Tinuloy ko ang paghagod sa dibdib ko. Para akong sinasaksak ng kung anong matalim na bagay.
Biglang tumulo ang luha ko.
Bakit ngayon pa!"Tumigil ka..." Taas baba ang dibdib ko naghahabol ng hininga.
Mas sumakit ito, kumalat hanggang braso iyong sakit.
Sinubukan kong tumayo baka sakaling mawala na ito. Ngunit hindi palang ako nakatayo ay nawalan ako ng balanse.
Nasagi ko ang lampshade sa sidetable at saka napaluhod. Gumawa ng ingay ang lampshade sa pagkahulog nito sa sahig.
Nakarinig ako ang mga yapak, ilang segundo lang ay niluwa ng pinto si Ck.
"Ronnie!"
"Ck..." Hirap kong tawag sa kanya.
Mabilis nya akong inupo at pinasandal sa headboard ng kama.
Hindi ko na mapigilang 'di maluha sa sobrang sakit.
Napapadalas ang dalaw nya nitong mga nakaraang linggo at pansin ko mas masakit na iyong ginagawa nya.
"Ano ba 'wag kang umiyak, mahihirapan ka nyan lalo sa paghinga," pinaypayan nya ako. "Kalma lang papunta na ang doctor. Tinawagan ko rin si Ar-ar, hindi ko na sinabihan ang magulang mo siguradong nasa kompanya pa ang mga iyon at ayaw mo naman malaman nila."
Natigil ako sa pag-iisip ng nangyari kahapon matapos marinig ang pag-park ng isang kotse sa labas.
"Nandito na sya," aliw-iw ko habang nakasandal sa headboard ng kama.
Inayos ko ang pag-upo. Inayos ko ang ilang maliit na hose na nasa pulsuhan ko.
Nagmukhang hospital room ang kwarto ko sa ilang gamit na dala ng doctor ko. At ayoko nitong mga nakasabit sa katawan ko, na alibadbaran ako.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...