Chapter 36

266 18 29
                                        

Loisa's POV

Nilabas ako ni Ronnie sa araw ng ikatatlong buwan namin. Hindi ko mapaliwanag ang saya ko nun. Mas minahal ko sya sa mga inamin nya. Gusto ko na ngang iuwi sya. Ewan ko ba, ayaw ko nang mawala sya sa tabi ko.

"Loisa number 28, anong sagot?" pabulong na tanong ni Aislin ng hindi ako nililingon.

Hinawi ko ang test paper, para tingnan ang answer sheet ko. "Wala din akong sagot, nakalimutan ko," mahina kong tugon.

Unang araw ngayon ng pre-final exam namin. Kahit hirap makakopya e ginagawan namin ng paraan makapagtanong sa isa't isa may maisagot lang.

Takot akong manguyap kaya lang ayaw ko naman bumagsak. Kaya nagagawa ko, hindi rin naman lahat tinatanong ko. Nag-aral din naman ako kagabi at nakinig ako sa leksyon kaya may sagot ako. Kaasar nga e kasi iyong ibang tanong nakalimutan ko ang mga sagot. Kainis!

"Familiar talaga ito e," bulong ni Aislin habang nag-iisip.

Kainis din 'yang nga familiar. 'Di mo naman masagutan at baka mawala pa ang isang puntos mo.

"Letter b ang sagot," Ronnie.

Napangiti ako, madalang kasi syang mamigay ng sagot. Payo nya sa amin, mag-aral. Para may maisagot. Hindi iyong magtatanong pa daw kami sa mga katabi.

Syempre nangatwiran din akong ilan lang kinukupya ko.

Sinunod ko sya nong unang exam sinubukan kung 'di magtanong pero may mga question talaga na hirap balikan, 'di ko maalala ang pinag-aralan ko.

Nang malapit na magpasa. Sya na mismo nagtanong, kung anong number ako walang sagot at binulong nya sa akin ang mga sagot.

Hindi ba? Kinilig ako nun. Hindi nya kinokonsinte ang masama kung gawain pero 'di nya kayang bumagsak ako.

Feeling ko tuloy sobrang ganda ko, ang swerte ko sa kanya. Siya iyong tipo ng lalaking gugustuhin ng marami kasama na dun ang mga bakla, matanda, basta lahat!

"Nasagutan mo lahat?" Tanong nya.

Tumango ako saka nginitian sya. "Good," sabi nya.

Buong araw kaming nakayuko, nag-break ng kalahating oras na inubos lang din namin sa pagre-review ng mga topic na kinalilituhan namin at isang oras na nag-break para mag-lunch.

Para kaming nabunutan ng tinik nang matapos ang araw. Pakiramdam ko nawalan ako ng pasanin sa balikat.

"Pabati ako kina Tita at Tito," bilin ni Ronnie.

"Oo, sasabihin ko. Salamat Ck sa paghatid," tinignan ko si Aislin sa backseat. "Mauna na ako. Ingat kayo."

Kinawayan nya ako't binaybay na nila ang daan pauwi.

Maaga akong kumain. Nang makapagtunaw ng kinain ay natulog na rin ako.

Balak ko kasing gumising ng maaga bukas para ipaghanda sila Mama ng agahan at lunch sila Ronnie.

Araw ng mga puso bukas wala akong pera pangbili ng mga bagay kaya ipagluluto ko nalang sila.

Muntik ko pa nga makalimutang February 14 bukas sa pagod na na-absurb ko sa ekwelahan ngayong araw. Buti nalang natignan ko iyong kalendaryo.

Alas-tres ng umaga ako gumising, agad kong tinungo ang kusina dala-dala ang packbag ko. Isasabay ko na ang pag-aaral, mahirap na, baka mawala na naman pinag-aralan ko.

Hinanda ko na lahat ng gamit at hiniwa ko na rin lahat ng dapat hiwain. Kulang nalang e ang lutuin ang mga putahi.

Matapos kung maglagay ng sinaing sa kalan ay umupo muna ako at nagbuklat ng ilang pahina ng notes ko.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon