Loisa's POV
Saturday, 10:34 am
"Na-miss kita!" Sigaw ko sa loob nang kotse nang makita ang katawan ng tubig dagat.
"Tagal narin nating 'di nag-beach," sabi ni Aislin na nakatingin rin sa dagat.
"Dapat sinama natin mga kapatid mo," Ronnie.
"Ikaw magbabantay?" Hinarap ko sya. "Huh?"
"Oo ba," tugon nito.
"Nasabi mo lang 'yan kasi wala kang maliit na mga kapatid, lalo na kung makukulit."
"Masaya nga yun e," inakbayan nya ko.
"Ang weird mo," inabot ko baba nya. "Anong masaya do'n?"
"Kagaya ka lang naman ng mga kapatid mo, makulit ka rin huh. Naalala mo iyong unang mga araw ko sa school natin?"
"Hindi kaya, 'di ko na maalala," napakamot ako sa buhok ko.
Nagpatay malisya nalang ako. Kinukulit ko naman kasi sya noon, paano e ang tahimik
"Kinukulit mo ko, gusto mo akong pagsalitain. Ayaw mong ma-out of place ako, nahulog tuloy ako sayo," napakagat labi ako sa sinabi nya.
"Hay nako, 'di ako masusuka sa haba ng byahe natin. Masusuka ako sa katamisan nyo dyan!" Inirapan ko si Aislin sa sidemirror at tumawa kami.
Tumahimik naman si Ronnie. Hinigit nya ang kamay ko, nilalaro ang daliri ko.
"Ako din nahulog ako sayo dahil sa kakulitan at kamalditahan mo," Ck.
Hinampas ni Aislin si Ck sa braso. "Ano ba?" Malumanay nitong tanong.
"Hoy babae! Ang landi mo," biro ko.
Binilatan nya ako. "Inggit ka lang," Aislin.
"Bakit ako maiingit? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko," sabay sulyap ko kay Ronnie na nakangiti ng malaki.
"Lalo na ang boyfriend ko SOBRANG pogi," tumawa ang dalawang magkaibigang lalaki sa pinagtaluhan namin.
"Wala namang pangit dito sa loob kotse!" Ck.
"Sang-ayon ako dyan!" Ronnie.
Tumawa ulit kami pagkatapos magbulahan at binaybay na ang daan patungo sa resort nila Chester.
"Akala ko ba sa resort nyo tayo pupunta? Bakit walang tao dito?" Sunod-sunod na tanong ng barkada ni Chester.
Andito na kami sa likod ng isang malaking bahay. Kakapasok lang namin ng gate at nag-park ng mga sasakyan sa malawak nilang parking lot.
"Nasa kabila ang resort namin," tinuro nya ang kabilang area sa kaliwa. "Iyon ang resort namin, nakalimutan kong weekend ngayon, maraming tao dun, kaya dito ko kayo dinala. 'Di nyo ba gusto dito?"
Tumawa ako. "Ano kaba 'di mo kailangan magseryoso! Tensyonado ka! Okay lang dito. Maganda kaya." Sumingit na ako. Ibang Chester 'tong nasa harap ko ngayon e maloko sya sa paaralan ngayon kabado, siguro dahil andito kami sa kanila.
Pinuri namin ang malaki nilang bahay nang pumunta kami sa harap nito. Grabe ang ganda ng pwesto ng bahay na 'to. Tingin ko'y limang metro lang ang layo nito sa dagat.
Kitang kita mula dito ang bughaw na tubig ng dagat. Gusto ko na tuloy lumusong sa tubig, tinatawag nya ako!
"Guys, kita nyo iyong mga silid doon?" Tinuro nya ang mga rooms sa kanan. "Doon nyo na ilagay ang mga gamit nyo. Since madami iyong girl sa kanila iyong anim na rooms then the rest sa boys. Lahat may banyo pero kung may gumagamit, may tatlong banyo pa dun sa panghuling room," tumayo sya ng maayos pakaliwa. "Kung gusto nyo naman maligo sa pool nasa kaliwa ang pool malapit sa garden. So, sige lagay nyo na mga gamit nyo at magla-lunch na tayo."
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...