Ronnie's POV
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sunod sunod na doorbell.
Patayo na ako nang mapansin kung may katabi ako sa kama.
Halos lumuwa ang mata ko. Si Loisa nasa tabi ko. Ang tanging takip--- ay kumot lang!
"Anong nangyari?!" Aliw-iw ko.
"Ronnie ano ba buksan mo ang pinto!" Sigaw galing sa labas.
Mabilis kong ginising si Loisa. "Loisa gising andyan na sila Aislin at Ck."
Nauna akong tumayo at nagbihis. "Mauna na ako sa baba!" Sabi ko nang hindi sya nililingon.
Inayos ko ang sarili bago ako bumaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko kaya sinubukan kung kumalma at baka ako ay mautal.
Bumaba ako at agad tinungo ang pinto sabay bukas.
"Ang tagal mo magbukas," reklamo ni Aislin.
"Anong nangyari sa damit mo? Para kang binagyo lukot lukot," Ck.
"Nakatulog ako, kami ni Loisa. Ang tagal nyo, anong oras na o?" Tinignan ko ang relo. "Halos isang oras kayo."
"Ito kasing si Jon ang bagal!" Aislin.
"'Wag mo ko sisihin huh, sa bakeshop tayo natagalan. Pumila pa tayo," Jon.
"Masarap silang gumawa don e, hindi ko naman alam na maraming tao ngayon!" Ck.
"Tama na, nasan ba si Loisa?" Tanong ni Aislin.
Ewan ko ba kung bakit kumakabog dibdib ko 'pag sya kaharap ko.
"Nasa taas, natutulog."
"Gisingin ko lang papunta na sila tita e," akmang aakyat na sya ng hagdan.
Hinarang ko sya. "A-ako na gigising sa kanya."
Hindi ko na sya pinasagot at tumakbo na sa taas. Tumigil ako sa harap ng pinto, uminit bigla ang mukha ko.
Nakatayo lang ako, walang lakas kumatok. Nahihiya ako.
Kakatok na sana ako nang bumukas ang pinto.
Agad nyang nilayo ang tingin sa akin, pansin ko rin ang pagpula ng mukha nya.
"Pa-papunta na daw magulang mo," utal kong sabi.
"Ohh," sabay tango nya.
"Sorry?" Mahina kong sabi. "Hindi ko sinasadya."
"Sa totoo lang hmmm---" tinignan nya ako. "Hindi ko alam ang sasabihin."
Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi nya. Pareho kami walang masabi. At parang hindi sya galit? Hindi ako sigurado.
"Bumaba na tayo?" Kinuha nya ang kamay ko. "'Wag kang mag-alala 'di ako galit."
Buti naman...
"Ah okay," speechless. "Bumaba na tayo."
"Happy birthday to you," pumalakpak sila pagkatapos nilang kumanta.
Medyo hindi ko maramdaman na birthday ko ngayon. Mas iniisip ko iyong nangyari kanina. Kung bakit ko nagawa iyon at bakit naging ganon!
"Ronnie may sasabihin ka," Mommy.
"Ahm," inayos ko ang boses. "Salamat sa pagpunta nyo," pagtapos ko.
Nakatingin silang lahat sa akin. Kinabahan tuloy ako.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...