Loisa's POV
Hindi ko inaasanahan ang nangyari. Masyado kong minadali at minaliit ang buhay.
Ako iyong taong hinahayang mangyari ang dapat mangyari sa buhay pero hindi ako makapaniwalang ganito sya kalupit, na kahit bigyan nya man ako ng oras para maghanda ay hindi magiging sapat na preperasyon para sa ganitong bagay.
Pakiramdam ko naloko ako ng buhay. Hindi ko pala alam ang laro nya. Hindi ko alam na ganito pala kasakit kong umatake sya.
Hindi ako handa, walang paraan para ako ay maging handa kung taong mahal ko ang kapalit. Kung si Ronnie ang nakataya.
Nagawi sa pinto ang atensyon ko nang may kumatok. "Ate, mag-aalmusal na. Handa ka na ba?"
"Susunod ako Wyatt!"
"Okay, sunod ka nalang para makaalis tayo ng maaga sabi ni Papa."
"Oo."
Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama, suot ang puting dress.
Ilang araw narin ang dumaan mula nung mawalan ng buhay si Ronnie.
Sa loob ng araw na iyon ay tila lakad pagong ang buhay ko, napakabagal.
Kagabi ang huling lamay. Maraming tao ang dumalo, buong klase ay nandon rin. Mga kamag-anak ni Ronnie at ibang kakilala nito sa dating paaralan. Bagaman ay gusto namin tapusin ang gabing iyon na masaya para sa kanya. Hindi mapigilan ng mga napalapit naming kaklase sa kanya ang maging emosyonal.
Nalulungkot sila na ngayong araw ay ihahatid na namin sya sa kanyang pahingahan.
Kaya din nasa loob pa ako ng kwarto dahil dun. Kinakalma ko ang sarili ko. Kinukumbensi ko ang sarili kong ihatid sya ng maayos.
Pero paano ko iyon gagawin kung ngayon na naiisip ko lang ay naluluha na ako.
"Anak!" Narinig kong sigaw ni Mama galing sa baba.
Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Tinignan ko ang teddy bear na regalo ni Ronnie sa akin.
"Kaya ko ito!" Pilit akong ngumiti sa teddybear at humugot ng malalim na buntong hininga bago bumaba.
As expected, everyone becomes emotional sa simbahan. Kinaya ko namang hindi maluha habang nakikita iyon. Mukhang naubos ko na ang luha ko sa araw-araw na pag-iyak. Tangi kong naramdaman ay ang kirot sa dibdib, parang pinupukpok ang puso ko at ang lungkot sa isip.
Habang palapit kami sa sementeryo ay unti-unting bumibigat ang loob ko.
Lalo na nang matapos ang pari sa maikli nitong dasal para kay Ronnie.
Unti-unti kong naririnig ang nagsisimulang paghikbi ng mga tao.
Tumingin ang mga mahalagang tao sa loob ng kabaong sa huling pagkakataon.
Matapos ng mga Alonte ay ang magulang ko. Narinig ko ulit ang iyak ni Papa, iyak na akala mo ay sariling anak nya ang ibabaon, hindi ko sya masisisi sobrang nalapit sa kanya si Ronnie lalo na sa mga kapatid ko na si Wyatt at Jaxon na hindi rin mapigilan ang lungkot ng pagkawala ng kuya nila.
Nagsimulang nanginig ang kamay ko. Ako na. Ang hirap humakbang. Nangilid nalang ang luha ko.
Piniga ang puso ko nang dungawin ko sya. Buong lamay ay nasa tabi nya ako. Akala ko sapat na iyon. Akala ko matatanggap ko na. Akala ko mawawalan ng kahit konting sakit itong nararamdaman ko sa paglisan nya. Pero sobrang sakit! Parang tinapakan ang puso ko, konti nalang at mabibiyak na ito.
"S-sabi mo 'I'll stay with you!'. Nasa'n na iyon? Huh!"
Tuluyan akong nawala sa sarili. Hindi ko kaya. Ayokong umalis sya. Ayoko kong maiwan.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...