Aislin's POV
"Tama na. Hindi naman natin alam na may sakit sya sa puso kay---"
"Sinong may sakit sa puso?"
Mabilis na dumapo ang tingin namin ni Jon sa pinto. "Loisa!"
Bigla akong kinabahan nang makita sya sa may pinto.
"Sinong may sakit sa puso?" Ulit nya.
"Si Ronnie," tugon ni Jon.
"Jon!" Ako.
"'Wag nga kayong magbiro ng ganyan," naglakad sya papunta sa harap.
"Hindi kami nagbibiro," bato ni Jon kay Loisa.
"Ano bang pinagsasabi nito Aislin?" Bakas sa mukha nya ang kaba.
Hindi ako umimik, ayaw kong sabihin sa kanya. Gusto kong bawiin ang sinabi ni Jon pero wala na akong magawa. Kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.
"Uy, ano ba?" Nilipat nya ang tingin kay Jon. "Ano?"
"May sakit sya sa puso."
Napayuko ako sa sinabi ni Jon. Tila nabingi ako nang tumahimik ang silid.
Nadinig ko nalang ang hikbi ni Loisa, nag-sink-in na sa kanya ang sinabi ni Jon.
Noong nalaman ko ang sakit ni Ronnie gusto ko din umiyak nun pero pinigilan ko ang sarili dahil umiiyak si Ck ng araw na iyon, ayaw ko nang dumagdag.
Inangat ko ang aking tingin. Nasa harap lang sya, nakatayo. Habang tumutulo ang luha sa pisngi nya. Pinipigilan nya nang hindi humagulgol dahil alam nyang may klase sa kabilang silid.
Ramdam ko nalang ang namuong luha sa gilid ng mata ko.
Lumapit si Jon sa kanya para patahanin sya. Ako nama'y nanatili sa upuan ko't inayos ang sarili.
"Alam na ni Loisa? Anong sabi nya?" Nagising ako sa magkasunod na tanong ni Ck.
Nandito parin kami sa canteen. Maliban kina Ronnie at Loisa.
Kailangan nilang mag-usap.
"Wala syang sinabi, umiyak lang sya," Jon.
Bumuntong hininga lang sya sa sagot ni Jon at biglang hinawakan ang kanang kamay ko.
"Okay ka lang? Ang tahimik mo."
"Naisip ko lang sina Loisa at Ronnie, baka mag-away yun."
Magsasalita na sana si Ck nang maunahan sya ni Jon. "Maiwan ko muna kayo, nag-text si Girlfriend e," kumaway sya at umalis sa harap namin.
"Baka mag-away sila?" Ulit niya. "Hindi yun, kilala ko si Ronnie. Ayaw nun na may katampuhan."
"Ikaw, baka may tinatago ka sa akin. Sabihin mo na," pag-iiba ko.
"Aba't bakit napunta sa akin ang usapan," nakataas kilang nyang reklamo.
"Baka may tinatago ka?"
"Wala," nag-isip sya. "May isa pala pero sinabi ko na sayo."
"Huh? Ano yun? Wala kang sinabi sa akin!"
"Hala! Sinabi ko na sayo. Matagal na."
Napaisip ako, wala naman syang sinabi sa akin. "Ano nga? Wala akong maalala."
"Kainis ka, iyon lang sikreto ko," tumawa sya.
"Ikaw ang nakakainis, ano nga!?"
"Na gusto kita," nginisihan nya ako ng malaki. "'Yon lang naman sekreto ko, alam mo na 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
أدب الهواةSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...