Hi? Kumusta? ^_^
Ito na nga ang ipinangako ko. Nakabili na ako ng cellphone. Mumurahin pero ang importante makapag-update ako dito.
Para ito sa mga naghintay sa update ng kwentong ito.
Sana maenjoy nyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Loisa's POV
Dalawang araw na mula nong nahuli ko si Jameson na may kahalikang ibang babae. Malinaw parin sa isip ko ang eksinang 'yon. Kong paano sila naghalikan, kong pa'no hawakan at yapusin niya ang katawan ng babaeng iyon. Ang taong akala ko 'di ako lolokuhin. Sinira nya ang binuo naming samahan at ang mas masakit nasira ang relasyon namin.
Ang sama ng loob ko. Sa tuwing naiisip ko 'yon 'di ko mapigilang maluha. Ayaw kong magalit sa kanya kaso hindi ko magawa. Nag-iinit ang ulo ko, parang akong takureng umuusok. Gustong sumabog ng ulo ko sa dami ng iniisip. Kaya iniiyak ko nalang at baka sa iba ko pa maibuntong ang galit ko.
Natigil ako nang bumukas ang pinto ng kwarto. Umiinit ang gilid ng mata ko, nagbabadya na naman ang luha kong lumabas sa mata nang makita ko si Mama.
Tinabihan nya ko sa sofa malapit sa bintana. "Ma..." Tawag ko sa kanya nang maupo sya. "Hiniwalayan ko na sya." Nabasag ang boses ko at 'di na napigilan ang luha.
Niyakap nya ako ng mahigpit. Nang gabing nahuli ko si Jameson ay pansin nya ng balisa ako at tinanong nya kung may problema ba ako. Ngunit 'di ko sinabi. Ngayon ko pa lang sinabi sa kanya, masyado na rin kasing mabigat. Di ko na kaya.
Kweninto ko lahat sa kanya, maliban nalang sa paglalasing ko.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Nang naupakan ko!" Pagbibiro niya.
Natawa ako. "Mama naman e." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Tahan na." Saad niya habang hinahaplos ang likod ko. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka pagsisihan mo." Tanong nya.
"Sa tingin ko tama ang ginawa ko." Napahikbi ako. "Ginawa ko na ang kaya kong gawin para malutas ang problema namin. Hindi ko alam na ganon kababa ang bakod nya't nagpaakyat sya ng temtasyon." Pinipigilan ko na ang maluha pero lumalabas ito ng kusa.
"Sabi ko naman sayo kapag nagmahal ka asahan mong masasaktan ka." Nagbuntong hininga sya. "Ang mali ni Jameson ay kumagat sya sa temtasyon."
Naiyak ako sa sinabi nya, tagos sa puso dahil ganon ang ginawa ng lalaking 'yon. "Hinayaan nya ang sariling matukso." Dugtong nya pa.
"Ang sakit Ma..."
"Sariwa pa ang sugat, anak." Iniharap nya ako. Nakangiti sya. "Mawawala din 'yan. Hayaan mong panahon ang gumamot nito." Inilapat niya ang palad sa dibdib ko.
Niyakap ko ulit sya ng mahigpit. Nakakagaan ng loob na alam mong may karamay ka. Lalo na kung ang taong iyon ay ang nanay mo. Na handa lage para saluhan ka sa mga pinagdadaanan mo. Kaya sobrang pasalamat ko, andyan sya lage para payuhan ako.
Kinabukasan...
"Salamat pala sa pagtulong mo sa akin." Sabi ko kay Ronnie habang nag-oorder ng pagkain.
Galing kami sa faculty room pinasa na namin ang project na miniature at dumaan narin kami dito sa canteen para magmeryienda.
"Ano ka ba, okay lang iyon." Nginitian nya 'ko. "Dito na tayo umupo." Dugtong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...