Chapter 24

351 11 0
                                    

Loisa's POV

"Saan ka pupunta?" Pinigilan ako ni Jameson sa paghawak sa pulsuhan

"Kaya ko na sa banyo lang naman ako," binawi ko ang kamay ko.

"Tutulungan na kita," Ronnie.

"Ako ang naunang mag-alok!" Jameson.

"Sabi nya sayo kaya nya 'di ba?" Ronnie.

"Narinig ko! Bakit nag-alok ka pa kung kaya nya?" Jameson.

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Napakamot nalang si Ronnie dahil wala syang maisagot. Para silang batang may pinag-agawan na kung ano.

"Sumali nalang kayo sa laro," bumaba ako nang stage pero ayaw talaga nila magpigil. Ngayon ay hawak na nila ang magkabila kong kamay.

"Bitiwan nyo ko," nginitian ko sila ng pilit. Naiihi na ako e. Ang gulo nila!

Binitawan nila ako at nagsamaan ng tingin sa isa't isa. Ano ba problema nila?

Sinimulan kong maglakad.

"Tulungan na kasi kita," sunod ni Jameson sa akin. "Tigna mo nga, hirap ka maglakad sa gown mo."

"Hindi sa akin ka sumama," hinawakan ulit ako ni Ronnie.

Napaikot nalang ang mata ko sa mga inaasta ng dalawang 'to!

Kapag itong pantog ko pumutok, sasapak ko talaga sila!

"SABING AKO NA!" sabay taboy ko ng kamay nila.

Nagsitinginan ang ilan na nakarinig sa akin. Tumawa ako ng pilit. "Tuloy lang kayo sa paglaro," buti at nakinig sila.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaking nasa harap ko. Konti nalang pasensya ko.

"Pero..." Sabay nilang sabi.

"Mga iho ako na bahala sa anak ko," biglang litaw ni Papa.

"O-opo Tito," Ronnie.

Nagbigay daan si Jameson, gulat sa pagdating ni Papa. Gusto ko tuloy tumawa pero mas nangibabaw ang nararamdam ko sa may pantog, puputok na sya.

"Ang dami ng naghahabol sayo anak huh," sabi ni Papa.

Ngumisi ako. "Anong naghahabol?" Patay malisya.

"Lalaki," tinulungan nya akong umakyat sa hagdan papasok ng bahay.

"Gusto lang nila tumulong 'di 'yon naghahabol," paliwanag ko. "Kaibigan ko lang sila," hay napakasinungaling.

"Hindi mo ko maloloko lalaki rin ako, basa ko sila," ayon wala na akong maisagot sa naging tugon nya.

"Pasok na ako Pa, ihing-ihi na ako e," mabilis akong pumasok at lumabas din nang matapos ang ilang minuto at bumalik sa party.

"Kung tatanungin mo ko kung sino sa dalawa ang dapat mong piliin, boto ako kay Ronnie. Mabait na bata. Gusto ko sya para sayo," sabi ni Papa bago nya ako iwan sa stage.

Umupo ako ng nakangiti. Ito na ba ang sign? Na sya na nga? Hindi naman election bakit may botohan.

Iniisip ko pa lang na s
agutin ko sya ay kinikilig na ako. Paano nalang kung totoo na!

Masyado akong nagmamadali. Okay hinay-hinay lang.

"Ate gusto mo kumain? Hindi ka pa kumain e," tanong ni Aria. "Ano gusto mo ako kukuha."

"Oo, gutom na ako. Kahit ano nalang," pinisil ko pisngi nya bago sya umalis.

Sinundan ko sya ng tingin patungo sa lamisa ng pagkain. Nakita kong nag-unahang lumapit si Jameson at Ronnie sa kanya. May kung ano silang tinanong sa kapatid ko.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon