Chapter 4

457 15 0
                                    

Loisa's POV

Halos mag iisang linggo kong naririnig ang tungkol sa mga transferee students kisa ang gwagwapo, ang gaganda, meron rin nagsabing may pangit daw at kong anu-ano pa.

Huling byernes ng Hunyo ngayon kaya 'yong iba nagkayayaan nang gumimik dahil maaga rin ang labasan namin ngayon.

"Okay I have now the seat plan." Sabi ni Miss Bliss sabay pakita nito ng hawak nyang bond paper.

Nagsimulang nagmaktol ang klase dahil ayaw nitong malayo sa katabi nila.

"Ginawa ko rin naman ito para makilala nyo pa ang isa't isa." Paliwanag ni Miss. "So lahat ay tumayo muna dito sa harap."

Nagsi-tayo kami sa harap gaya ng sabi nya. Tumawa ako nang ang hirap patayuin ng iba parang nakadikit ang pwet sa upuan dahil ayaw nila ang ideya nato pero sa huli ay napatayo rin.

"Miss naman e, ano ba kasi arrangement nito. Alphabetical po ba?" Kunot noong tanong ni Aislin.

"No, Random lang 'to."

"Miss tabi nalang kami ni Loisa please?" Pagmamakaawa nya.

Ngumiti lang si Miss. "Mas lalong hindi ko kayo itatabi."

Walang magawa si Aislin kaya sumimangot nalang ito sabay kabit nya ng mukha nya sa balikat ko.

Nagsimula nang nag-upuan ang unang tinawag hanggang sa medyo napupuno na yong mga upuan sa harap ng mga nakasimangot kong kaklase.

Mukhang sa huli ako mauupo at mas gusto ko 'yon, ayaw ko talaga kasi sa harap kaso si Aislin gusto nya doon kaya naupo ako dun.

"Okay Aislin sa second to the last na upuan ka sa gilid." sabay turo nito sa likod. "Kasunod mo si Jon tapos si Ck.."

"Magkatabi tayo!" Masiglang banggit ni Jon sabay akbay kay Aislin.

"Wag kanga." Tinabig nya ang kamay ni Jon sabay lakad nang nakasimangot.

Konti nalang at maayos na ang lahat.

"Okay Miss Andalio, dun sa likod ni Miss Richards."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Aislin nakangiti na ito ngayon habang naglalakad ako papunta sa huling row ng upuan.

"Buti nalang hindi tayo magkalayo." Aislin

Nginitian ko lang sya saka ko tinuon ang tingin ko sa harap. May siyam pang nakatayo sa harap.

"Sino kaya sa kanila ang katabi ko?" Sa isip ko.

"Mr. Alonte dun ka sa tabi ni Ms. Andalio."

Bigla akong kinabahan. Napatigin sya sakin pero agad nya rin itong inilayo nang makita akong nakatingin sa kanya.

Tinignan nya si Miss Bliss na para bang gusto nitong umapila pero 'di nya magawa.

Binantayan ko ang galaw nya, nakatayo lang sya dun ng ilang segundo saka sya naglakad papunta sa direksyon ko. Inusog ko konti ang upuan ko para makadaan sya.

Tahimik syang umupo sa tabi ko.

Nailang tuloy ako. "Hmm.. Ronnie?" mahina kong tawag sa kanya pero sapat na para marinig nya.

Bahagya syang lumingon sa'kin. Walang kalaman laman na ekspresyon ang mukha niya.

"Ayaw mo akong katabi?" Diretso kong tanong. "Kong oo lilipat nalang ako sa ibang upuan." dagdag ko.

Nakatingin lang ako sa kanya naghihintay ng sagot nya.

Mukhang wala akong makukuhang sagot kaya umayos nako ng upo.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon