Chapter 6

449 17 0
                                    

Loisa's POV

Lumipas ang ilang araw na panay iwas ko kay Ronnie, ito kasing si Aislin ang daldal sinabi nya sa iba iyong sinabi ko sa kanya kaya kumalat.

Hindi din naman ako pinapansin ni Ronnie, 'di ko alam kung galit ba sya sakin o nahiya matapos nyang sabihin 'yon.

Ako? Sinisikap ko na hindi sya pansinin dahil sa sinabi nya at nahihiya rin ako kasi agad kong binigyan ng ibang kahulugan ang pagiging close nila ni Ck.

Tuwing naiisip ko ang nangyaring 'yon bumabalik ang pakiramdam na 'di ko maipaliwanag. Buti at binulong nya lang sa akin.

"Break time na!" Sigaw ng isa kong kaklase na nagpatigil ng pag-iisip ko.

Nilingon ako ni Aislin. "Sabay na tayo kina Ck."

"Sige na, sabay na tayo." Jon.

"Wag nyong sabihing 'di parin kayo okay?" Sabi ni Aislin na palipat-palit ang tingin sa amin ni Ronnie. "Kasalanan ko iyon kaya please lang basagin na natin 'yang ilangan nyo. Ilang beses na ako humingi ng sorry sa inyo 'di parin kayo bati. Pinapaguilty nyo ako e."

"Give them some time." Singit ni Ck na syang nakakaintindi sa 'min.

"Tara na sa canteen, mauubusan tayo ng table." Jon.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila.

Pagdating namin ay nag-alok si Ck na umurder ng pagkain, libre nya daw ang snack namin ngayon. Kaya 'di matago ni Aislin ang tuwa sa nabanggit, lalo na si Jon kaya sinamahan nya na itong mag-order.

Humanap na kami ng table. Nauna akong umupo.

"Oppps! Ako dyan!" Biglang sigaw ni Aislin kay Ronnie nang akmang uupo ito sa tapat ko.

"Huh?" Tanging nasabi nito.

Lumapit ang kaibigan ko sa kanya at hinila palapit sa akin. "Paano kayo magbabati kung mag-iiwasan kayo." Sabi nya at pinaupo si Ronnie sa tabi ko.

Nagkatinginan kami nang maupo sya. Nginitian nya ako ng pagkaawkward. Kaya nginitian ko din sya na alam kong pilit rin.

Ano ba 'to? Plastikan? Ewan!

Iniwas ko ang tingin at saka ko kinagat ang labi. Ang gulo ng mundo ngayon!

Init ng mukha ko!

Kulang nalang lumabas kaluluwa ko at tumakbo malayo sa lalaking katabi ko ngayon, ang awkward. SOBRA!

"Para lang kayong magsyota, nag-iiwasan ng tingin." Sabi ni Aislin nang nakapangalumbaba sa harap namin.

Sinimangutan ko sya at sininyasang malalagot sya sa'kin 'pag nagsalita pa sya.

"Okay sorry, gusto ko lang tumulong." Aislin.

Gusto ko syang batukan, tutulong daw e mas pinaiilang nya lang kami.

Tumahimik sya dahil sa banta ko sa kanya, tanging table lang namin ang walang ingay. Usapan sa ibang table lang ang tanging ingay na nag-uusap ng kong ano-anong bagay.

Ilang minuto pa ang dumaan at malaking pasalamat ko at dumating na sila dala ang pagkain. Kaya nabasag narin ang katahimikan.

Inilapag na nila ang pagkain at umupo na.

"Sige kain na tayo." Ck.

"Salamat Ck." Ako.

"Nga pala, libre pala 'yan ni Ronnie." Nakangisi nitong sagot sakin habang ngumunguya.

"Akala ko ba libre mo ito?" Aislin.

"Akala ko nga rin, nacarried away lang daw sya dahil hawak nya wallet ni Ronnie." Jon.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon