Chapter 19

356 11 2
                                        

Aislin's POV

"Ate ang sarap kumain ng icecream!" biglang sigaw ni Aria.

Natawa ako. "Katatapos lang natin kumain huh."

"Matagal na kaming 'di nakakain ng icecream," Jaxon.

"Magsitigil kayo, wala tayong pera," saway ni Loisa.

"Walang problema. Sige, mag-order tayo," deklara ni Ck kaya napunta lahat ang tingin sa kanya.

Nagningningan naman ang mata nila Aria.

"May gusto pa ba kayong iba?" tanong ni Ronnie.

"Masyado nyong ini-spoil mga kapatid ko baka sumama na ang mga 'yan sa inyo," Loisa.

Pansin ko ang isang ito, parang wala sa mood.

"Ano ka ba naman mga bata 'yan, hayaan mo na," ako.

Bumuntong hininga nalang sya, suko na ito. "Damihan nyo na nga lang," nagtawanan kami sa naging tugon nya.

"Gusto mo rin pala," Ck.

"'Di kayo papigil e," ngumiti sya kay Ck.

"Kuya Ronnie, fries at burger din," sigaw ni Jaxon.

"Hoy! ikaw talaga," sita ulit ni Loisa pero nakangisi lang ito. "Patunaw muna kayo."

"Kanina pa tunaw ate," tumawa ito.

Napa-tsk lang si Loisa sa kulit nito.

"Tulungan na kita dyan," alok ni Ck, nagliligpit kasi ako ng pinagkainan namin. "Loisa kami nalang magdala nyan sa kusina."

"Sige, salamat," sagot ng kaibigan ko at kinindatan ako na para bang sinasabi nyang sulitin ko ang oras. "Enjoy ka," sabay ngisi nya.

Gusto kong tumawa sa ginawa nya pero tinago ko iyon at inirapan sya ngunit todo ngiti parin sya sa akin. Nanginginis.

"Tara na," ako.

Tinungo na namin ang kusina, 'di pa kami nakapasok nang harangin kami ni Manang na tindira ng canteen.

"Ako na maghuhugas nyan mga anak," manang.

"Okay lang po, kami na--"

"Tayo na ba?" pagputol ni Ck sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay. Siraulo talaga 'to. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka ako ngumiti, 'di ko mapigilan e.

"Asikasuhin nyo nalang po ang mga customer Manang. Konti lang naman ito," patuloy ko.

"Opo, KAMI na bahala po," Ck.

Naipikit ko nalang ang mga mata ko. Pinipilit ko 'wag ilabas ang kilig. Sobra na ang banat nya.

Ang puso ko? Kanina pa tumatalon. Diyos ko tama na, baka ito pa ikamatay ko!

Wala nang nagawa si Manang kaya hinayaan nya nalang kami. Mabilis akong pumasok sa loob ng kusina.

Inilapag ko na ang mga pinagkainan namin sa lababo.

"Payagan mo na akong ligawan ka," napatingin ako sa sinabi nya.

Nakasandal ang pang-upo nya sa malapad na lababo habang naka-cross ang kamay, nakaharap sa akin ang mukha nya.

Ginigitla nya ako sa mga biglaan nyang linya. Hindi ako nasasanay.

Hindi ko sya sinagot at binanlawan na ang mga plato.

Ramdam kong nakatitig lang sya sa akin. Naiilang tuloy ako dahil narin sa pagpipigil ko sa halo-halo kong nararamdaman ngayon.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon