Chapter 5

471 12 0
                                    

Loisa's POV

Dumapo lahat ng tingin sa kinauupuan namin nang marinig nila ang sigaw ni Ronnie.

Ako e nagpatay malisya nalang. Gulat sa tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kong bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko.

Isa isa rin naalis 'yong tingin nila sa amin.

Ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan namin at alam kong nakatingin sya sa akin ngayon.

Kinabahan tuloy ako.

Unti-unti ko syang nilingon. Nagtama ang aming tingin sabay tibok nang malakas ng puso ko.

Matalim nya akong tinignan.

"Ano?" Mahinahon kong tanong sa kanya na para bang walang nangyari.

"Anong tanong 'yun?" Kalmado nyang tanong sakin.

Napangiwi ako't ngumiti ng pilit. "Wala iyon." Sabi ko at tumawa.

Inilayo ko ang tingin ko sa kanya at umupo ng maayos.

Narinig ko syang nagbuntong hininga. Ako naman e kinakabahan parin.

Natapos ang araw na nakatikom ang bibig ko, kahit putak ng putak si Aislin e tinatanguan ko nalang sya.

"Alam mo ikaw ang tahimik mo ngayon... Bakit ba?" Tanong ni Aislin habang naglalakad kami palabas ng paaralan.

"Wala lang." Maikli kong sagot.

"Wala lang?" Ulit nya. "Alam na alam ko ang itsurang 'yan e." Sabay hawak nya ng baba ko at bahagyang iniharap ako sa kanya.

Natigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa nya.

"May iniisip lang." Tinuloy ko ang paglalakad.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Aislin.

"Hindi naman wala lang ako sa mood."

"Bago yan huh." Sabi nito.

Hindi ko na sya sinagot at tinuloy na ang paglabas.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Naunang umalis si Aislin dahil dumating na 'yong sundo nya. Inaya nya akong sumabay sa kanya pero 'di ko na tinanggap, magkaiba kasi kami ng daan ayoko namang maabala sya. Kaya ko naman umuwing mag-isa.

Pagdating ko sa bahay e agad kong nakita si Aria at Wyatt sa sala.

"Nasaan si Jaxon?" tanong ko sabay lagay ng packbag ko sa upuan.

"Baka nasa kapitbahay, naglalaro." sagot ni Wyatt nang nakatingin sa comic na binabasa.

"Ang batang iyon talaga." Pailing-iling kong sabi. "Sya nga pala Wyatt pinapasunod ka ni papa sa tindahan."

"Oo ate, aalis ako maya-maya." Wyatt.

"okay."

"Sama ako kuya!" Aria.

"Wag na samahan mo nalang si Ate." Wyatt.

"Isa pa maraming tao dun ngayon." Sabi ko.

"Sige nanga." Sagot nito nang nakatutuk sa pinapanuod.

Nang matapos ang pinanood ni Aria e nagpaalam narin si Wyatt na umalis, ako naman ay nagsaing na.
Tinignan ko rin sa refrigerator kong may maluluto pang ulam para sa hapunan.

Buti nalang at may isda pa na pwedeng prituhin at sitaw na pwedeng gisahin sa tingin ko ay kasya na sa amin ito.

Habang hindi pa naluto ang sinaing ko e umakyat muna ako sa taas para magbihis.

"Aria tawagin muna Kuya Jaxon mo dumidilim na!" Sigaw ko kay Aria habang umaakyat ng hagdan.

"Opo Ate!" Narinig kong sagot nito.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon