Good Afternoon Guys.
Sinimulan ko ang kwentong ito June 13, 2019 at natapos ko ito nitong May 23, 2020.
Halos isang taon ko rin syang sinulat. Grabe ang struggle ko sa plot dahil wala akong alam kung paano isunod-sunod ang mga scenes at hindi ako masyadong magaling sa tagalog. Ilang beses din akong nag setback, may nag-uudyok sa akin na itigil na ito dahil mukhang wala namang pupuntahan ang gawa ko.
Masyado rin akong busy sa pag-aaral kasi estudyante rin ako tulad nyo. Kaya ang nangyari, sobrang bagal ng update ko kaya mensan nawawalan na ako ng gana magsulat.
Pero kayo ang dahilan kaya nagpatuloy ako sa pagsusulat. Kahit hindi kayo nagko-comment noon e umuusad ang reads. Kaya tinuloy ko, ayaw kong madismaya kayo.
Kaya ngayong tapos na, MALAKING PASASALAMAT ko sa inyo dahil natapos nyo. Hindi nyo sinukuan ang WITH YOU. Pinagtyagaan nyo ang kauna-unahan kong gawa dito sa wattpad. Kaya SOBRANG SALAMAT.
Sa huli kong update, which is epilogue ay sinabi kong dudugtungan ko ito ng STILL WITH YOU at nangako ako na sisimulan ko sa June.
But, after reading some article related to writing, flow ng pagsusulat at paano ipasok ang mga eksena sa main plot ay natawa ako. Nakita ko ang mga mali sa sinulat ko, ang mga kulang at mga bagay na hindi dapat ilagay ay nandito sa kwento ko.
Habang binabasa ko iyon ay nagpa-plot naman ako ng STILL WITH YOU. At sumagi sa isip ko na 'wag na ituloy ito. Kailangan kong ayusin muna itong unang sulat ko bago ako magdugtong ng panibago.
Now, I'm really sorry kung hindi ako nag-isip muna bago ko sabihin iyon sa inyo. Hindi naman ibig sabihin na 'di ko na isusulat 'di ko lang itutuloy sa ngayon, bigyan nyo ako ng oras na maayos ang WITH YOU bago ko isulat ang book two na naisip ko.
I hope maintindihan nyo at makapag-antay kayo na maayos ko ang plot ng WY at hopefully maisunod ko na ang SWY.
Kung may aalis may dadating!
Ang isusulat ko sa June (walang exact date) ay iyong ANG LOADING KONG CRUSH. Its on the process, may intro na, pero hindi pa totally tapos ang plot. Nag-iisip pa ako nang mga scene na ilalagay ko sa kanya. Iyon nalang ang abangan nyo kung gusto nyong basahin.
Sana maintindihan nyo ang pag-pull-out ko ng SWY (unpublish ko sya ngayon sa list of works ko).
AGAIN, sobrang SALAMAT sa pagbabasa nyo ng WITH YOU.
THANK YOU GUYS! <3
Love, VINNJAYY
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...